• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-Justice Sec. Vitaliano Aguirre bagong hepe ng NAPOLCOM

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre II bilang Commissioner ng National Police Commission (NAPOLCOM).

 

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque nitong Lunes ng gabi.

 

“We confirm that President Rodrigo Toa Duterte has signed the appointment of Mr. Vitaliano “Vit” Aguirre II as Commissioner of the National Police Commission (NAPOLCOM) representing the private sector,” ani Sec. Roque.

 

Si Aguirre ay nagsilbing kalihim ng Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng Duterte administration simula 2016 hanggang 2018.

 

Sinabi ni Sec. Roque, makakatulong ang dati nitong papel sa pamahalaan sa kanyang bagong posisyon na gawing competent, epektibo, responsive at credible ang police service sa pangangailangan ng mga Pilipino.

 

Nagpaabot ng “good luck wish” si Sec. Roque sa bagong appointment nito. (Gene Adsuara)

Other News
  • Makaka-triangle pa nila si KELVIN: First team-up nina BIANCA at KEN, pinasilip na sa Kapuso televiewers

    NA–EXCITE ang televiewers sa finale episode ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, last Friday nang bago natapos ang isang eksena ni Steffy (Barbie Forteza) ay biglang pumasok si Kapuso actress Bianca Umali.     Kinausap si Steffy, samantalang hindi naman siya kasama sa cast, at maya-maya ay sinundan pa siya ni Ken Chan, at […]

  • Paglaban sa kahirapan, kawalan ng edukasyon, kontra gutom at iba pa, saklaw sa 2024 nat’l budget

    INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na ang 2024 national budget ay isang battle plan kontra sa kahirapan, gutom at iba pa.           Sinabi ng Presidente higit sa numerong pinag – uusapan sa budget ay kumakatawan ito higit sa lahat sa isang simpleng listahan ng halaga o talaan ng mga proyekto.   […]

  • April 30 ang huling deadline ng consolidation

    DINIIN ng Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni DOTr Secretary Jaime Bautista na huling extension na ang deadline sa darating na April 30 tungkol sa public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan.       “I think this will be the last and final extension. This is the eight time that we are […]