• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, ipinaubaya na sa Kongreso ang isyu ng party-list system

IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Kongreso ang pagtugon sa concerns ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa party-list system.

Napaulat na ipinanawagan ni Pangulong Duterte ang abolisyon ng party-list system bunsod ng concerns na pinalulusot ng sympathizers ng communist rebels.

May ilang mambabatas sa kabilang dako ang nagpahayag na mas magiging madali na amiyendahan ang party-list law sa halip na -rewrite o muling isulat ang 1987 Constitution, na may mandatong sectoral representation sa Kongreso.

“We defer to the wisdom of Congress. Hindi naman po nagli-legislate ang Presidente. If that is the solution of some senators, number one, of course it has legal basis; number two it would still depend on them,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Sinabi ni Bayan Muna party-list Representative Ferdinand Gaite noong nakaraang linggo na ang abolition ay magreresulta ng “crackdown of representation for the poor and marginalized.”

Si Gaite ay miyembro ng Makabayan bloc of lawmakers kung saan inakusahan ni Pangulong Duterte na may kaugnayan sa rebeldeng komunista.

Sa kasalukuyan, nakatutok ang Mababang Kapulungan ng KOngreso sa pag-amiyenda ng “restrictive” economic provisions ng Constitution na naglalayong gawing mas “attractive” ang Pilipinas sa foreign investors.

Hinikayat naman ni Senator Panfilo Lacson ang Malakanyang na maging “a little bit more creative in accomplishing that objective without opening the floodgate to possibly tinker with the Constitution in its entirety.”

Sinabi naman ni House constitutional amendments committee chairperson Alfredo Garbin na hindi nila tatalakayin ang political sections ng charter ng bansa sa gitna ng espekulasyon na ang inisyatiba ay maaaring maging daan ng term extension para sa mga elective officials. (Daris Jose)

Other News
  • Pfizer vaccine na dumating, inilaan na ipamahagi sa mga lugar na mayroong “high coronavirus cases”-Galvez

    SINABI ng National Task Force Against Covid-19 na ang bulto ng government-procured Pfizer vaccine na dumating sa bansa, araw ng Miyerkules ay inilaan na ipamahagi sa mga lugar na mayroong “high coronavirus cases”.   Tinatayang may kabuuang 813,150 doses ang dumating sa bansa via Air Hongkong flight LD456 dakong alas- 8:30 ng gabi sa Ninoy […]

  • P709-M halaga ng assistance inilaan sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng bagyo

    NAGLAAN  ang Department of Agriculture (DA) ng mahigit P709 milyong halaga ng tulong at interbensyon para sa mga magsasaka na naapektuhan ng pananalasa ng supertyphoon Karding.     Sa ngayon, nasa P2.95 bilyon na ang pinsala sa agrikultura na dulot ni “Karding” basi sa pinakahuling datos ng kagawaran.   Idinagdag pa ng ahensya na ang […]

  • P2-M HALAGA NG MARIJUNA HULI NG QCPD MULA SA DALAWANG TULAK

    HULI ng Quezon City police District (QCPD) Station -4 Novaliches  ang dalawang lalaki sa isang buy-bust operation sa Barangay Bag-bag Novaliches Q.C.   Kinilala nina QCPD Chief B.Gen. Danilo Macerin at Lt.Col Richard Ang, ang mga suspek na sina Daryl Collera, 24 taong gulang at Murray Comot, 29 taong gulang.   Narekober  mula sa dalawa ang 20 […]