• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 MENOR DE EDAD NA KABABAIHAN, NAISALBA SA ONLINE SEXUAL EXPLOITATION

NAISALBA ng National Bureau of Investigation (NBI)-Anti Human Trafficking (AHTRAD) ang tatlong menor de edad na kababaihan na biktima ng Human trafficking sa Dasmarinas City, Cavite.

 

Ayon kay NBI Officer-in-Charge (OIC) Director Eric B. Distor na nag-ugat ang kaso mula sa  Federal Bureau of Investigation (FBI) na ipinadala sa Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC) kung saan isang Filipina ang nagpadala  sa isang American  national ng mga hubad na larawan ng kanyang menor de edad na anak at dalawang kaibigan kapalit ng pera sa pagitan ng 2018 at 2019.

 

Nalaman na dahil sa mga ipinadala, nakatanggap ng nasabing Filipina mula sa American cititzen  ng kabuuang USD 2,680.oo sa pagitan ng April hanggang August 2019. Ang nasabing mga porn materials ay ipinadala sa Facebook App.

 

Ang nasabing Filipina ay nakilala ng NBI-AHTRAD kaya nagsagawa ng surveillance operation sa kanilang lugar kung saan nalaman na isa sa mga biktima ay anak nito at nasa kanyang pangangalaga.

 

Upang malaman ang dalawa pang kasama ng menor de edad na biktima ay humingi ng tulong ang NBI-AHTRAD sa principal ng dalawang  bata kung saan sila ay nag-aaral na naibigay naman ng Principal ng eskuwelahan ang pangalan ng kanilang mga magulang at kanilang address at nitong January 8, 2021, ay nagsagawa ng operasyon ang NBI, Philippine National Police – Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) at Dasmariñas City , Cavite, City Social Welfare and Development Office (CSWD) na nagresulta sa pagkakasalba ng mga menor de edad saka ito in-turn over sa isang shelter sa Rizal. (GENE ADSUARA)

Other News
  • RAYVER, stick to one lang at ayaw na paiba-iba ang girlfriend

    NASORPRESA si Glaiza de Castro sa ‘Pinoy Abroad Fun Connect’ ng GMA Pinoy TV, na nakipag–bonding sa mga fans abroad pamamagitan ng zoom event kasama ang cast ng Nagbabagang Luha na sina Rayver Cruz, Claire Castro, Royce Cabrera at Mike Tan. from Ireland.  Lalong nasorpresa si Glaiza dahil kasama rin ni David ang soon-to-be mother-in-law […]

  • Vice, Coco at Nadine, nanguna sa MMFF 2022… ‘Family Matters’ nina NOEL at LIZA, palaban din sa takilya at hahakot ng awards

    DINAGSA at pinilahan ng manonood ang unang araw ng 48th Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong Linggo, Disyembre 25, 2022, araw ng Pasko.     Pagsapit ng ika-lima ng hapon 5:00 p.m., may post sa official Facebook page ng MMFF, “Napakaagang dinagsa at pinilahan sa takilya sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang walong pelikulang […]

  • Pakikiramay bumuhos dahil sa pagpanaw ni MMA rising star Victoria Lee sa edad 18

    Bumuhos ng pakikiramay sa mundo ng Mixed Martial Arts (MMA) matapos ang paglabas ng balitang pagpanaw ng baguhang figther na si Victoria Lee sa edad 18.   Ang nasabing balita ay kinumpirma ng nakakatandang kapatid nito na si Angela sa pamamagitan ng kaniyang social media.   Pumanaw umano ito noon pang Disyembre 26 subalit hindi […]