Pagpasok ng Pfizer sa Hulyo, hindi garantiya na makaka-avail ang lahat – Malakanyang
- Published on January 14, 2021
- by @peoplesbalita
NGAYON pa lamang ay sinasabi na ng Malakanyang na hindi kasiguraduhan na sa sandaling makapasok na sa Hulyo ang bakuna sa COVID ng Pfizer sa bansa ay puwede nang maging available ito sa lahat ng gustong magpabakuna ng nabanggit na brand.
Tugon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging reaksiyon ng ilang sektor sa kanyang naging pahayag na huwag nang maging pihikan pa sa pagpili ng bakuna.
Aniya, bagama’t posibleng maging available na ang Pfizer sa July, hindi pa rin lahat ay puwedeng piliin ang naturang brand gayung hindi aniya ito magagamit sa mga probinsiya dahil sa kakulangan sa pasilidad.
Negative 70 aniya ang kailangang temperatura nito at tanging Maynila, Cebu at Davao lamang umano ang mayroong mga cold storage facilities kung saan maaaring iimbak ang vaccine ng Pfizer.
Aniya, ganito ang sitwasyong hinaharap ngunit kung ang pag- uusapan ay kasalukuyang senaryo, sadya aniyang wala tayong choice o alternatibo dahil Sinovac lang ang paparating simula Pebrero hanggang buwan ng Hunyo.
“Well, uulitin ko po ano: Simula Pebrero hanggang Hunyo, wala po tayong alternatibo dahil parang iisa lang po ang darating na bakuna.
Pagdating po ng July, eh marami na pong papasok ‘no. Pero hindi naman po lahat iyan eh puwedeng piliin ng ating mga kababayan dahil iyong Pfizer po kinakailangan ng negative 70 ‘no,” ayon kay Sec. Roque.
“Ibig sabihin po, para lang iyan sa Maynila, Cebu, Davao na mayroong mga cold storage facilities, hindi po talaga magagamit iyan sa sa mga probinsiya dahil wala tayong mga facilities,” dagdag na pahayag nito.
At gaya aniya ng sinabi nina Department of Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire at Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination at Professor Emeritus sa College of Medicine-UP-Manila Dr. Lulu Bravo na ang ahat ng bakuna na pumasa sa FDA ay “proven safe and proven effective.”
“So, hindi na po importante kung ano iyong brand. Pero uulitin ko po, wala na pong pilitan, kung ayaw talaga, okay lang po iyan, mawawala lang ang prayoridad kung sila po ay kabahagi ng priority population at pipila po sila sa huli,” giit ni Sec. Roque.
Samantala, ang NCR, CAR at Davao Region ay ilan lamang aniya sa mga mauunang lugar kung saan ikakasa ang pagbabakuna.
-
PNP, mas pinaigting pa ang monitoring laban sa e-sabong; 236 sites pina-take down
MAS pinaigting pa ngayon ng Philippine National Police ang kanilang isinasagawang monitoring sa iba’t ibang online platforms at mobile application na maaarin gamitin ng mga kawatan sa ilegal na operasyon ng electronic sabong. Ayon kay PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., inatasan na niya ang Anti-Cybercrime Group na i-take down ang lahat ng […]
-
PBBM, inaprubahan at in-adopt ang 10-YEAR MARITIME INDUSTRY DEVELOPMENT PLAN 2028
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at in-adopt ang 10-year Maritime Industry Development Plan 2028 (MIDP), magsisilbi bilang whole of nation roadmap ng bansa para sa integrated development at strategic direction ng maritime industry. Sa apat na pahinang Executive Order No. 55 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin noong Pebrero 8, […]
-
Kian Bill inihain sa Kamara
INIHAIN sa Kamara ni Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang “Kian Bill” o ang Public Health Approach to Drug Use Act na naglalayong magpatupad ng makataong solusyon sa problema sa droga sa pamamagitan ng pagbibigay proteksyon sa karapatan ng mga indibidwal. Ayon kay Cendaña, ang kaniyang panukala ay magsisilbing 180 degree turn mula […]