• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte umaasang ‘di mas mapanganib ang bagong ‘monster’ na COVID-19 variant

Nababahala umano si Pangulong Rodrigo Duterte matapos makapasok na sa Pilipinas ang bagong variant ng COVID-19.

 

Sa kanyang weekly address, sinabi ng Pangulong Duterte na umaasa itong hindi mas mapanganib ang bagong variant ng coronavirus na unang na-detect sa United Kingdom.

 

“And I pray to God, really, na sana hindi ito more dangerous, more toxic than the original COVID,” wika ng Pangulong Duterte.

 

“Yung ginagawang bakuna ngayon, kasi bago ito, titignan ng mga experts, mga doctor. They will raise the alarm sabi nga ni Doctor Duque ngayong gabi, pupuntahan nila to make sure para we can take steps to isolate, sequester, and maybe treat them para hindi na mapasa sa iba,” dagdag nito.

 

Dagdag pa ng presidente, mahalagang malaman kung sinu-sino ang mga nakasalamuha ng pasyente pagdating sa Pilipinas mula sa United Arab Emirates (UAE).

 

“Importante ito kung sino ‘yung mga tao na kinausap nila pagdating nila… Kaya lalabas itong [contact] tracing, ita-trace, hahanapin ‘yung mga tao tapos i-examine sila for their own good,” ani Duterte.

 

Iniulat ni Health Secretary Francisco Duque III na dumating sa Pilipinas ang pasyente na may UK variant noong Enero 7.

 

Nanggaling ito sa Dubai kasama ang kanyang nobya, na lumabas na negatibo sa coronavirus.

 

Sa kabila nito, isinailalim pa rin sa mahigpit na quarantine at monitoring ang partner ng pasyente. ( ARA ROMERO)

Other News
  • Babaeng biktima ng trafficking napigil, escort nito inaresto

    NAPIGIL ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng biktima ng human trafficking  nang tinangkang eskortan  ng kanyang lalaking trafficker sa Davao City.     Ang biktima na isang babae ay ni-rescue sa Davao International Airport  habang papasakay ito ng Scoot Airlines flight patungong Singapore.     Ayon sa biktima, biyaheng Singapore […]

  • MMDA, nagbabala ng mabigat na daloy ng trapiko simula ngayong Hunyo

    DAPAT nang asahan ng mga motorista ang mabigat na daloy ng trapiko simula sa susunod na buwan ng Hunyo.     Ito’y bunsod ng posibleng pagpapatuloy ng face-to-face classes sa ilang lugar sa bansa.     “Before elections nag-conduct kami ng volume count. Ang lumabas sa aming bilang, 400,000 which is sa EDSA. It is […]

  • P120 MILYON POULTRY, SEAFOODS PRODUCT, NASABAT NG BOC

    AABOT na P120 milyong halaga ng poultry,seafood products  ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BoC) sa serye ng isinagawang pagsalakay sa pitong bodega sa Navotas City kamakailan.     Katuwang ng BOC SA pagsalakay ang  Investigation Service at the Manila International Container Port (CIIS-MICP), Department of Agriculture-Inspectorate and Enforcement Office (DA-IE), National Meat Inspection Service […]