• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcial kumukuha ng mga ideya sa NBA para sa PBA

BANTAY-SARADO sa Philippine Basketball Association (PBA) ang nagaganap sa 75th National Basketball Association (NBA) 2020-21 regular season games hinggil sa mga patong-patong na kaso na may kinalaman sa Coronavirus Disease 2019.

 

“Minamatyagan namin nang husto kung ano ginagawa nila,” bulalas kahapon ni Commissioner Wilfrido Marcial. “Kung may maganda, i-a-adopt namin sa PBA.”

 

Mas naging mahigpit ang USA major league sa health and safety protocols kaysa pinairal sa 74th 2020 bubble.

 

Pero maski nakaanim na laro na ang na-postpone, walang balak ang world’s oldest pro hoop na ihinto ang kasalukuyang seaon. Huling naunsiyani ang mga laban ng Washington Wizards-Utah Jazz at Boston Celtics-Orlando Magic.

 

Planng buksan ng PBA ika-46 na edisyon sa darating na Abril 9 kaya pinag-aaralan ang mga hakbang ng counterpart na liga.

 

Pinahinto ng Covid-19 ang dalawang liga noong Marso 2020. Nagsimulang muli ang NBA sa Orlando, Florida noong Hulyo sa bubble.

 

Tinularan ng PBA iyon sa Clark, Pampanga noong Oktubre at natloy ang taon ng liga kahit Philippine Cup na lang ang naisalba na pinagharian ng Barangay Ginebra San Miguel.

 

Pinaiiral na sa NBA sa kasalukuyan ang home-and-away games na wala nga lang mga miron sa mga playing venue.

 

Kaya kinukunsidera ng PBA na mag-semi-bubble din sa Metro Manila matapos gumasta ng P65M sa Pampanga bubble. (REC)

Other News
  • SHARON, aminadong na-shock sa pinagsasabi at pinaggagawa sa ‘Revirginized’; mas hahangaan ayon kay Direk DARRYL

    NAGBABALA si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang FB at IG post sa paglabas ng official trailer ng Revirginized noong Linggo nang gabi, July 4, na ‘wag itong panoorin ng mga bata dahil talaga namang nakaka-shock ang mga ginawa niya sa pagbabalik-Viva Films.     Panimula ni ni Mega, “(Important: BAWAL PO MANOOD ANG MGA BATA!) […]

  • Eumir Marcial todo paghahanda sa Olympics

    Sumasabak sa matinding paghahanda at sakripisyo ngayon ni 2021 Tokyo Olympic-bound Eumir Felix Marcial sa tulong ni legendary Hall of Fame coach Freddie Roach sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California sa U.S. upang masungkit ang mailap na gold medal ng Pilipinas sa Olimpiyada at matupad ang kanyang pangarap na maging sikat ng pro-boxer. […]

  • 500 persons/ staff ng NBA na inilagay sa isolation

    NAPAKALAKING sakit din daw sa ulo ng NBA organization ngayon ang nasa mahigit 500 mga staff na isinailalim sa quarantine bunsod ng COVID pandemic.     Ang naturang bilang ay mula sa mahigit 2,500 na mga staff.     Kasama sa mga staff na inilagay sa safety at health protocols ay mga equipment managers, video […]