• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kulong, multa posible sa nakasabay ng Pinoy na may new COVID-19 variant

Maaaring humarap sa kaso, multa at kulong ang mga nakasalamuha ng Pilipinong nahawaan ng mas nakahahawang United Kingdom variant ng coronavirus disease (COVID-19) kung patuloy silang hindi makikipag-ugnayan sa gobyerno, paglalahad ng Department of Health (DOH), Biyernes.

 

Kahapon kasi nang unang banggitin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ilan sa mga contacts ng naturang 29-anyos na Pinoy ang ayaw makipag-ugnayan sa pamahalaan — ang iba, ibinababa pa ang telepono.

 

“There is this violation. We have a law, [Republic Act] 11332, the law on notifiable disease. Within this law, stated yan sa mga provision na kapag may mga public health emergency, you have to cooperate with government whether it be for quarantine, for isolation, for contact tracing, for testing,” ani Vergeire sa isang media forum.

 

“So kapag ang isang tao, hindi po siya nakipag-cooperate sa gobyerno, maaari po tayong magkaroon ng mga sanctions for this person.”

 

Ang RA 11332 ay madalas gamitin noong panahon ng lockdown para arestuhin ang mga aktibista sa mga protesta o na nagsasagawa ng mga assistance program. Ang iba ay pinalaya rin ng korte.

 

Sa 159 na mga pasahero kasi ng Emirates Flight EK 332, 146 pa lang o 96% ang matagumpay na nakikipag-ugnayan matapos ang contact tracing: “‘Yung 13 po, talagang rejecting the calls, walang sumasagot, o siguro patay ang telepono o mali ang ibinigay na telepono,” dagdag ng DOH official.

 

Sa 146 na pasaherong na-contact na, 125 sa kanila ang nakagawa na ng mga positibong aksyon matapos ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa DOH.

 

Marami sa kanila ay naka-quarantine na sa mga pasilidad, o ‘di kaya’y naka-home quarantine basta’t pasado sa mga panuntunang inilatag ng gobyerno.

 

“‘Yung iba ho, mamaya ho natin babalikan ‘yung ibang datos ano. Just for the information of everybody, lahat po sila ay na-swab. Kinolekta ang specimen. Dalawang specimens po, isa for RT-PCR, isa for genome sequencing,” dagdag ni Vergeire.

 

Pero anu-ano nga ba ang mga parusang nag-aantay para sa mga patuloy na ayaw makipag-ugnayan sa gobyerno sa panahon ng isang public health emergency?

 

Ayon sa RA 11332, nariyan ang:

 

  • P20,000 hanggang P50,000 multa
  • isa hanggang anim na buwang kulong
  • parehong kulong at multa
  • pagkakatanggal o suspensyon ng lisensya kung ikaw ay lisensyado sa ilalim ng Professional Regulation Commission (PRC)

 

“Meron tayong unauthorized disclosure, meron tayong non-cooperation of persons and entities that should report and respond sa mga ganitong sitwasyon o request ng government, non-cooperation of persons and entities identified with the disease, or ‘yung mga contacts nitong may mga sakit na ito,” sabi pa ni Vergeire.

Other News
  • Baril, bala, granada nasabat ng CIDG sa apartment ng naarestong drug suspect

    NAKAKUMPISKA pa ang pulisya ng baril, bala at granada sa inuupahang apartment ng isa sa dalawang lalaking unang nahuli sa pagbebenta ng hindi lisensiyadong baril at pag-iingat nang mahigit P1 milyong halaga ng shabu at marijuana, Martes ng hapon sa Caloocan City.     Sa follow-up operation ng mga tauhan ni P/Lt. Col. Jynleo Bautista, […]

  • World number 1 tennis star Ashleigh Barty magreretiro na

    INANUNSIYO ni tennis world number 1 Ashleigh Barty ang kaniyang pagreretiro.     Sa kanyang social media ay isinagawa ng 25-anyos Australian tennis star ang kaniyang pagreretiro.     Sinabi nito na naibigay na niya ang lahat ng kaniyang makakaya sa paglalaro.     Masaya aniya ito sa kanyang desisyon at handang tanggapin ang anumang […]

  • POC, muling tiniyak na isasabak ng PH si EJ Obiena sa SEAG at Asiad kahit ayaw ng Patafa

    MULING tiniyak ngayon ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Rep. Abraham Tolentino ang kanilang pag-iendorso sa kontrobersiyal na Pinoy Olympian at pole-vaulter EJ na Obiena na isasama nila ito sa nalalapit na Hanoi Southeast Asian Games (SEAG).     Ito ay sa kabila na initsapuwera na ng Philippine Athletics Track and Field Association (Patafa) […]