• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Negatibong balita laban sa Sinovac, produkto raw ng pamumulitika ng oposisyon

PARA sa Malakanyang, produkto lamang ng paninira ng oposisyon ang lumalabas na mga impormasyong pinakamahal ang Sinovac sa anim na brand ng COVID-19 vaccine.

Ito ang tinuran ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng sinisimulan ng pag-order ng bansa ng bakuna pangontra sa COVID-19 na kung saan ay inaasahang unang darating ang China made na Sinovac.

Aniya, nasa gitna o mid-range lang ang presyo ng Sinovac na iba sa nais palabasin ng oposisyon na bukod sa mataas ang presyo ay mababa rin ang efficacy rate.

Giit ni Sec. Roque na walang katuturan ang nginangawa ng mga kritiko gayung napatunayan na rin sa ibang bansa gaya ng Turkey matapos ang clinical trial doon na nasa 91.25 ang efficacy rate ng Sinovac gayundin sa Indonesia.

Sinabi pa ni Sec. Roque na mismong si Indonesian President Joko Widodo ay nagpaturok ng bakuna ng Sinovac gayundin ang Health Minister ng Turkey.

Mayroon kasing mga kumakalat sa social media na naghahambing ng presyo ng mga bakuna at mayroon din pong balita mula sa  Jakarta na nabili ng Indonesia iyong Sinovac worth 200,000 Rupiah or 683 pesos per dose.

“I can say, sa lahat po ng oorderin natin, hindi po pinakamahal ang Sinovac. Alam ninyo kasi ang Tsina, hindi po iyan kapitalistang bansa, komunista iyan. So their prices are not driven by market forces, pupuwede silang unilaterally mag-fix ng price, at I can assure you, nabigyan po tayo ng presyo na ukol lamang sa kanilang BFF. Hindi po pinakamahal ang Sinovac, paninira lang po ng oposisyon iyan. In fact, hindi rin po siyang pangalawang pinakamahal na bakuna na aangkatin natin. Kung hindi po ako nagkakamali, pangatlong pinakamahal lang po siya out of six brands – so, it is in the mid-range. So, wala pong katuturan iyang mga nginangawa ng mga kritiko na nakapamahal daw ng  Sinovac,” lahad ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Rep. Velasco: ‘Tahimik lang akong nagtatrabaho bilang paggalang sa term-sharing agreement’

    Nagsalita na rin si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa gitna ng patutsada ng kampo ni House Speaker Alan Peter Cayetano na siya ang nasa likod nang ouster plot laban sa liderato ng Kamara.   Sa isang Facebook post, sinabi ni Velasco na sa simula pa lang nang mabuo ang gentleman’s agreement nila ni Cayetano […]

  • New Trailer to Camila Cabello’s Upcoming ‘Cinderella’ Film Revealed

    AMAZON Prime, the streaming site has revealed the trailer for the upcoming musical movie, Cinderella and will start streaming this September 3.     Watch the new trailer here: https://www.youtube.com/watch?v=T1NeHRuPpoM     Cinderella is a new and musically driven take on the fairy tale we all grew up with. It centers on an ambitious young woman, played […]

  • Urban gardening at aquaponics project, inilunsad sa Navotas

    PORMAL na inilunsad ang Bio-diversified Fitness Project ng Bureau of Fire Protection (BFP), Technical Education And Skills Development Authority (TESDA), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Navotas City.     Ito ay isang urban gardening at aquaponics project na naglalayong pagyamanin ang environmental sustainability at magsulong ng healthy and active lifestyle sa […]