Malakanyang, clueless kung kailan maaaring maibalik ang face to face classes
- Published on January 18, 2021
- by @peoplesbalita
CLUELESS ang Malakanyang kung kailan puwedeng ibalik ang face to face classses sa bansa.
Ito’y dahil sa hindi kasi kasama sa mga babakunahan ang mga menor de edad, 18 pababa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kung mawawala naman ang transmission o hawahan sa adult population dahil mababakunahan na sila, mababawasan din ang risk o panganib para makuha ng mga kabataan ang virus.
Magkagayon man, nilinaw ni Roque na wala siya sa posisyon para magbigay ng tiyak na sagot sa usaping ito dahil naka depende ang sitwasyon sa mga darating na mga datos.
Aniya, magsisimula pa lamang kasi ang vaccination program at pag-aaralan pa ang magiging epekto ng bakuna sa mga target population.
Magugunitang, nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong nakalipas na taon na kanselahin ang inilatag na pilot testing sa face to face classes sa ilang piling lugar sa bansa na isasagawa sana ngayong enero dahil na rin sa lumutang na bagong UK variant ng Covid-19, para matiyak na mapo- protektahan ang mga kabataan laban sa virus.
-
Steph Curry kinilala bilang bahagi nang tinaguriang ‘elite club’
NAPABILANG na rin daw sa pambihirang elite players ng NBA ang Golden State Warriors MVP na si Stephen Curry matapos na masungkit ang panibagong korona sa NBA finals. Batay sa NBA history si Curry ang ikaanim umano na player sa kasaysayan na nanalo ng apat na titulo o championships at humakot ng prestihiyosong […]
-
30th FIBA Asia Cup 2021 qualifier 3rd window tagilid
NAMEMELIGRONG mapagpaliban ang 30th International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Men’s Basketball Championship 2021 qualifier third window sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center at sa Clark Freeport sa Angeles City, Pampanga sa Pebrero 15-23. Ito ay bunsod sa natuklasang mabilis na nakakahawang bagong variant ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 na […]
-
Bulacan, ginunita ang ika-123 Anibersaryo ng Republikang Pilipino
LUNGSOD NG MALOLOS – Sa pagdiriwang ng isa sa mga pinaka kilalang kaganapan sa Lalawigan ng Bulacan, pinangunahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang isang payak na programa sa paggunita ng ika-123 Anibersaryo ng Araw ng Unang Republikang Pilipino na ginanap sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain dito kaninang umaga. May temang “Unang Republikang […]