• January 12, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 nalambat sa P170K shabu sa Navotas

Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang timbog matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Navotas city, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasbas ang naarestong mga suspek na si Jaymar Marquez, 28 ng Inocencio St. Tondo at Sharmaine Vergara, 26 ng Fabye St., Sta. Ana Manila.

 

Ayon kay Col. Balasabas, dakong 2:55 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez sa R10, Brgy. NBBN kung saan isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makabili sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu.

 

Nang tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang sinunggaban ng ma operatiba.

 

Nakumpiska sa kanila ang nasa 25 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P170,000.00 ang halaga, buy bust money at P500 bills.

 

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • NAVOTEÑOS NAKATANGGAP NG LIVELIHOOD ASSISTANCE

    NASA 673 mga benepisyaryo ang nakatanggap ng kanilang P1,000 cash aid sa unang araw ng payout ng pamamahagi ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng livelihood assistance sa ilalim ng Navo-Ahon Ayuda program.     Kabilang dito ang 38 jobseekers na nagtapos noong 2020-2021; 339 displaced workers; 25 delivery rider; 65 jeepney drivers; anim na local […]

  • PBBM, gustong gamitin ang biofertilizers para pagaanin ang kalagayan ng mga magsasaka

    INANUNSYO ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang plano ng kanyang  administrasyon na pagamitin na ang mga  magsasaka  ng biofertilzer para mabawasan o hindi na umasa pa ang mga ito sa mga mamahalin at imported na  petroleum-based fertilizers.     Sa isang  video message na ipinalabas ng  Presidential Communications Office (PCO), sinabi ng Pangulo na […]

  • ‘New peace talks’ , uusad na may bago at sariwang framework agreement- Galvez

    BAGO at sariwang  usapang pangkapayapaan ang itutulak ngayon  sa ilalim ng administrasyon ni  Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kasama ang  National Democratic Front of the Philippines (NDFP).     Tiniyak ni  Peace Adviser Carlito Galvez, Jr.  na hindi ito pagpapatuloy ng mga usapang pangkapayapaan na dumaan sa mga nakalipas na administrasyon.     Ani  Galvez, ang  […]