• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Philippine Traditional Wear Day” tuwing Hunyo 12, aprubado

Inaprubahan ng House Committee on Basic Education and Culture ang pagtatalaga sa Hunyo 12 bawat taon bilang “Philippine Traditional Wear Day.”

 

Sa inihaing House Resolution 1374 ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez, layon nito na isulong ang kamalayan at pagsasanay sa kulturang Pilipino sa pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan.

 

Isinasaad sa resolusyon na ang pagsasanay sa pagsusuot ng mga tradisyunal na Pilipinong kasuotan ay isang uri ng kapangyarihan sa kultura, isang impluwensyang hindi namimilit na mekanismo na maaaring gamitin upang suportahan ang kultura ng salinlahi at pamana, na magpapatibay sa diwa ng nasyunalismo sa mga Pilipino

 

“Isa itong bagong sibol ng pagkasigasig na tutuklas at magbibigay ng malalim na pagmamahal sa ating kultura ng mga kabataang Pilipino, na nasa ating bansa man o nasa ibayong dagat,” ayon sa paliwanag ng HR 1374.

 

Ayon pa sa panukala, ang pagsusulong ng kapakanan at pagmamalaki sa mga tradisyunal na Pilipinong kasuotan ay lilikha ng mga kahilingan para sa mga produkto na gawang Pilipino.

 

“Ang pagdami sa kahilingan para sa mga produktong Pilipino ay magpapasigla sa interes ng mga Pilipino na pag-aralan ang paggawa ng mga tradisyunal na likhang sining na maaaring magpalakas sa industriya,” nakasaad pa sa resolusyon.

 

Sinabi ni Torres-Gomez na ang mahabang lockdown na ipinatupad sa bansa ay naging sanhi ng pagdami ng pagpapahalaga at paghanga para sa mga Pilipinong kasuotan.

 

“Ang paglago sa mga paninda sa pamamagitan ng online ay nagbigay ng pagkakataon sa ating mga naghahabi, nagdidisenyo, at mga mananahi, na karamihan ay mga micro at small scale enterprises, na ipagmalaki ang kanilang mga likhang produkto sa merkado ng social media,” ani Torres-Gomez. (ARA ROMERO)

Other News
  • Lahat ng security measures, gagamitin para sa inagurasyon ni BBM-DILG

    HANDANG-HANDA na ang puwersa ng estado para sa posibleng mangyaring panggugulo at banta mula sa makakaliwang grupo dahil pinaigting ang security measures sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong’’ Marcos Jr. sa  National Museum sa Hunyo 30.     Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, magiging aktibo ang Manila […]

  • Kapag natuloy na ang paglipat sa GMA: ENRIQUE, balitang si MARIAN ang unang makatatambal

    DUE to insistent public demand, extended na ang historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra” ng GMA Network.       “Dinggin ninyo kami #MCIExtend,” pakiusap  ng mga netizens and fans ng serye.     Narinig naman ito ng GMA Entertainment Group at ng production team ng serye ang hiling ng mga manonood, kaya […]

  • OIL SMUGGLING, PAHIRAP SA MAMAMAYAN

    Nakakapagtaka na wala ni isa man sa mga presidentiables ang may plataporma upang tuldukan ang mas malalang problema sa smuggling sa loob at labas ng Bureau of Customs partikular na ang langis at krudo.       May ibat-ibang istilo ang smuggling o tuwira’ng pandaraya ng mga importador nito at nagagawa nila ang pandaraya sa […]