• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

May milagro kay Black

NAGAGALAK at pasalamat si incoming Meralco sophomore professional Aaron Black sa pagkakasama niya top five candidates para sa Outstanding Rookie award ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Online Awards sa darating na Linggo, Enero 17.

 

“Definitely an honor to be considered as one of the better rookies of the (Philippine Cup) bubble,” litanya kahapon ng dating Ateneo Blue King Eagle sa University Athletic Association of the Philippine at anak ni Bolts coach Norman Black.

 

Swak sa No. 2 ng nakababatang Black sa statistical points (SPs) para sa nasabing parangal, na sinasandalan niya niyang motibasyon dahil kahit aniya ‘di bigatin at ‘di kabilang siya sa top rookie prospects, naging kandidato siya sa magandang puwesto.

 

Humihinga siya sa bumbunan sa SPs kay Roosevelt Adams ng Terrafirma Dyip at angat kina Kevin Barkley Eboña ng Alaska Milk, Aris Dionisio ng Magnolia Hotshots at Arvin Tolentino ng Barangay Ginebra San Miguel

 

“Even if you are drafted in the third or fourth round, if you work your butt off and you have the opportunity to show what you work for, I think it’s possible,” giit ng 24-anyos at 6-1 na kaliweteng guard.

 

Siya’y tinapik sa second round, 18th pick overall sa 35th PBA Rookie Draft 2019 ng kanyang tatay. (REC)

Other News
  • ‘Di na 10 years old para pagsabihan sa gustong gawin: NADINE, ‘di nakapagpigil na talakan ang mga nagmamarunong sa buhay niya

    HINDI na napigilan ni Nadine Lustre ang talakan ang mga pakialamero’t pakialamera sa buhay niya sa social media.     Masyado raw maraming marites sa buhay niya at gusto niyang pabayaan na siya ng mga ito dahil unang-una ay hindi na raw siya bata para pagsabihan.     Marami kasi ang nag-comment sa pinost ni […]

  • 9 REHIYON MAY DELTA VARIANT NA

    SIYAM  na rehiyon na ang nakikitaan ng presensya ng Delta variant ng COVID-19 sa bansa ayon sa Department of Health (DOH).   Sa Townhall session ng DOH, sinabi  ni Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Guzman na natukoy ang local cases ng Delta variant sa ilang mga rehiyon .   Kabilang  dito ang Ilocos  na […]

  • IRR ng Maharlika fund, isinapinal na-PBBM

    ISINAPINAL na ang implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF), isang linggo matapos na suspendihin ang implementasyon nito.     “The Investment Rules and Regulations of Maharlika Investment Fund have been finalized,” ayon kay Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. sa kanyang Instagram.     “Upon our approval, we’ll swiftly establish the corporate structure, […]