Zero casualty target sa COVID-19 vaccine
- Published on January 19, 2021
- by @peoplesbalita
Target ng gobyerno ang zero casualty sa oras na mag-umpisa ang pagbabakuna kontra COVID-19.
Tiniyak din ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na mas mag-iingat ang Pilipinas sa pagpili ng bakuna na gagamitin para sa mga senior citizens matapos na 23 matatanda sa Norway ang nasawi nang mabakunahan ng Pfizer dahil sa adverse reactions.
“Ang ating goal is zero casualty and as much as possible, very close watch,” ayon kay Galvez.
Kabilang umano sa tungkulin ng mga vaccine experts ng task group ay suriin ang mga bakuna na ginagamit ng iba’t ibang bansa kabilang ang history nito upang mas makapili ng pinakamabuting bakuna.
“Ang task group na ginawa namin dito ay isang task group ng mga vaccine expert para talagang alalayan. Susuriin talaga natin ‘yung mga history, titignan natin,” dagdag ng kalihim.
Sa ulat ng Norwegian Medicines agency, iniuugnay ang pagkasawi ng 23 senior citizen sa bakunang ibinigay sa kanila. Maaaring may masamang epekto sa katawan ng mga nasawi ang bakuna dahil sa mahinang pangangatawan ng mga senior citizen.
Pahayag ng Pfizer, hindi kasali sa dapat na mabakunahan ang mga may edad 85 pataas at may mga malulubhang karamdaman.
Hindi malaman kung sinunod ng pamahalaang Norway ang patakarang ito.
Matapos na malaman ito, sinabi ni Galvez na agad siyang nakipag-ugnayan kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at nagkasundo sila na sa mga may edad mula 18-anyos hanggang 59 lang muna ang isasailalim sa ‘vaccination program’ habang maghahanap pa ng angkop na bakuna para sa mas matatanda.
Ito ay dahil base sa inisyal na report ng Norway, delikado ang pagbabakuna sa 80-anyos pataas kaya susuriing mabuti ng task force ang kukuning bakuna kung talagang may kumplikasyon ito.
Target ng gobyerno na mabakunahan ang 50-70 indibidwal ngayong taon kung saan inaasahang 50,000 Filipino ang mababakunahan sa Pebrero.
Una nang sinabi ni Galvez na ang Pfizer ang posibleng maunang gamitin sa pagbabakuna sa bansa kontra COVID-19 dahil ang COVIX facility ay maagang ilalabas ang nasabing bakuna.
Nagbigay na rin ang Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) para sa Pfizer-BionTech. (Daris Jose)
-
Garrett, handog sa mga fans ang isang madamdaming awitin
ISANG madamdaming regalo ang handog ng Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden para sa kaniyang fans sa pagpasok ng Bagong Taon – ang kaniyang original composition under GMA Music na pinamagatang “Our Love.” Pagbabahagi ng The Clash alumnus, espesyal ang awit na ito dahil naaalala niya rito ang yumaong ama. “As I […]
-
Mayorya ng mga Pinoy naniniwalang importanteng pondohan ang family planning
HALOS siyam sa 10 Filipino adults ang naniniwala na importanteng paglaanan ng gobyerno ng sapag na pondo ang modern methods ng family planning. Batay sa lumabas na March 2022 Pulse Asia Survey, 88% ng respondents ang naniniwala na dapat maglaan ang pamahalaan ng pondo para sa modernong pamamaraan ng family planning, tulad ng […]
-
Expansion ng number coding scheme sa NCR, hindi na kailangan pa – MMDA
HINDI NA nakikita pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na kinakailangan pang paliwigin ang number coding scheme sa mga lugaw na nasa ilalim ng Alert Level 1, lalo na sa National Capital Region. Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, kakaunti lamang ang kanilang naitalang mga sasakyang bumabaybay sa EDSA sa unang araw […]