• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ONLINE SELLER 3 PA, KULONG SA P.2 MILYON SHABU

HALOS P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babaeng online seller na natimbog sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas cities.

 

Alas-3:00 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna PSSg Julius Sembrero sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. John David Chua sa pamumuno ni P/Col. Angela Rejano ng buy-bust operation sa kahabaan ng Avocado St. Brgy. Potrero.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Bernadeth Morales alyas “Bodeth”, 32, online seller ng Bagong Barrio, Caloocan City at Axel De Guzman, 29 ng Sta. Cruz, Manila matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

Kasama ring inaresto ng mga operatiba si Jervic Pastor, 18, ng Brgy. 144, Caloocan City at nakuha sa kanila ang nasa 17.7 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P120,360.00 ang halaga at buy-bust money.

 

Nauna rito, dakong 10 ng gabi nang matimbog din ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Rolando Balasabas si Wendy Cusi alyas “Wewe”, 26, (pusher/listed) sa buy-bust operation malapit sa kanyang bahay sa Leongson St., Brgy. San Roque, Navotas city.

 

Narekober kay Cusi ang nasa 10 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P68,000 ang halaga, at P300 marked money. (Richard Mesa)

Other News
  • Pinoys sa Taiwan naghahanda na sa paglikas

    ISANG grupo ng mga Filipino sa Taiwan ang magpupulong tungkol sa evacuation plans sa gitna ng tumitinding tensiyon sa pagitan ng Amerika at China.     Sinabi ni Mercedita Kuan, secretary-general ng Filcom Taiwan Northern na bagaman normal pa ang sitwasyon sa Taiwan, nananatili pa rin ang kanilang takot.     Sinabi ni Kuan na […]

  • COVID-19 pandemic tatagal pa hanggang taong 2022 – WHO

    Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na maaaring tatagal pa hanggang taong 2022 ang COVID-19 pandemic.     Ito ay sa kadahilanang ang mga mahihirap na bansa ay hindi pa raw nakakakuha ng tamang bakuna na kanilang kailangan.     Sinabi ni Dr Bruce Aylward, senior leader ng WHO, mas mababa sa 5 percent na […]

  • Half-Pinoy Jason Kubler kasama ang pakner, KAMPEON!

    TAAS-NOO na naman ang mga Pinoy matapos magkampeon sina Filipino-Australian Jason Kubler at partner Rinky Hijikata sa men’s doubles ng Australian Open na nilaro sa Melbourne nitong Sabado.   Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, may maipagmamalaki na naman ang mga Pilipino sa panalo ni Kubler.   “It’s something that […]