• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malawakang information drive sa COVID-19 vaccines, hirit sa IATF

Nanawagan kahapon si San Jose Del Monte City Rep. Florida “Rida” Robes sa Inter-Agency Task Force on the Ma­nagement of Emer­ging Infectious Disease (IATF) na magsagawa ng malawakang information campaign ukol sa magkakaibang CO­VID-19 vaccines.

 

 

Ang pahayag ni Robes ay ginawa sa layuning maibsan ang pangamba at mabawasan ang maraming katanungan kaugnay sa kaligtasan at epektibo ng iba’t ibang bakuna na kasalukuyang ibinibigay sa ibang bansa.

 

 

“There is too much information that our countrymen are getting confused and anxious about getting the vaccine. The government, particularly the IATF, should go on a massive information drive to give the real score on the vaccines and the vaccination program that soon will be rolled out when we have the vaccines,” ayon kay Robes.

 

 

Si Robes, chairman ng House Committee on People’s Participation, ay nakipag-ugnayan sa mga international pharmaceutical companies na nangunguna sa paggawa ng bakuna kasama ang Philippine health officials para mapabilis na mapangasiwaan ang pag-apruba sa COVID-19 vaccine sa Pilipinas.

 

 

Tinukoy ni Robes na nakausap niya ang maraming mga tao sa kanyang distrito na nagpahayag ng kanilang pangamba sa pagkuha ng bakuna dahil sa mga katanungan sa kanilang kaligtasan at pagiging epektibo nito.

Other News
  • Travel ban sa 7 bansa pinalawig – BI

    Muling ipatutupad ng Bureau of Immigration (BI) ang ekstensyon sa travel ban sa pitong bansa upang maiwasang makapasok ang Indian variant ng COVID-19 hanggang sa Hunyo 30.     Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ito ay bilang pagsunod sa utos galing sa Malacañang na huwag pa ring papasukin ang mga biyahero mula sa […]

  • Ads December 2, 2023

  • Nag-promote ng serye at movie nila ni Kathryn: ALDEN, pinasaya ang mga Kapamilya nang mag-guest sa ‘It’s Showtime!’

    PINASAYA ni Alden Richards ang mga Kapamilya dahil guest siya ngayong araw ng Sabado, July 13 sa ‘It’s Showtime!’       Ang nakakatuwa pa kay Alden, paglabas niya onstage ay isa-isa niyang bineso ang mga hosts ng naturang Kapamilya noontime show, minus Vice Ganda na wala sa show at nasa Japan yata?     […]