BINATA NAGBIGTI SA ILALIM NG TULAY
- Published on January 19, 2021
- by @peoplesbalita
ISANG 21-anyos na binata ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa ilalim ng tulay makaraang iwanan umano ng kanyang girlfriend sa Malabon city.
Kinilala ang biktima na si Sonny Boy Castillo, 21, ng 142 Azucena St. Merville Tanza, Navotas city.
Sa report nina police investigators PSSg Jeric Tindugan at PCpl Renz Marlon Baniqued kay Malabon police chief Col. Angela Rejano, dakong 7 ng umaga nang makita ni Roberto Villador, 48, ang biktima na nakabigti gamit ang lubid sa ilalim ng Tanza-Hulong Duhat Bridge sa Women’s Club St. Brgy. Hulong Duhat.
Kaagad ipinaalam ni Villador ang natuklasan sa naka-duty na PSTMO na si Roberto Cabading na siya namang nag-report ng insidente sa pulisya.
Sa pahayag sa pulisya ng kaibigan ng biktima na si Reymart Diaz, noong nakaraang January 15, 2021 ay nagtangkang magpakamatay si Castillo sa pamamagitan ng paghiwa sa kanyang pulso.
Sumunod na araw dakong 3:30 ng hapon, narinig umano ni Diaz na sinabi ng biktima sa video call nila ng kanyang girlfriend “Sabagay naman sinasaktan kita, at para hindi kana masaktan, mas mabuti na mawala na lang ako”.
Gumawa naman ng isang waiver ang ina ng biktima na si Ma. Cecilia Cayanan na hindi siya interesado sa kahit anung gagawin imbestigasyon at autopsy ng pulisya dahil naniniwala siya na walang foul play sa pagkamatay ng kanyang anak. (Richard Mesa)
-
Sa pagtatapos ng dalawang shows sa GMA: CARMINA, gulat sa balitang lilipat na kasama sina MAVY at CASSY
SA pagtatapos ng ‘Abot Kamay na Pangarap’ sa October 19 sa GMA, may bulung-bulungan na ikalawang show ito ni Carmina Villarroel na mawawala na sa ere sa Kapuso Network. May tsikang mamaaalam na rin ang isa pang show ni Carmina, ang Sarap, ‘Di Ba? kung saan host sila ng mga anak niyang twins […]
-
Government, Medical Societies, Pharmacists, Patient Orgs, Commit to Cervical Cancer Elimination in the Philippines
For the first time ever, over 400 stakeholders, including municipalities, healthcare advocacy groups, national agencies, and civil societies, stood united against the Big C at the 1st Philippine Cervical Cancer Elimination Summit, titled ‘One Community Against HPV’. In the Philippines, cervical cancer is one of the most common forms of cancer that […]
-
Fernando, nagpaalala na sundin ang minimum health standards sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19
LUNGSOD NG MALOLOS- Muling pinaalalahanan ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na patuloy na sundin ang minimum health standards sa gitna ng patuloy na pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan sa mga nakalipas na linggo. “Kung maaari po, lagi nating isipin na may virus, mag-ingat at maging maingat po […]