JANINE, winelcome at feel na feel talaga na maging isang Kapamilya; RAYVER, suportado ang naging desisyon
- Published on January 19, 2021
- by @peoplesbalita
MAGANDA ang naging pag-welcome kay Janine Gutierrez ng ABS-CBN and for some reason, tila feel na feel talaga siya na maging isang Kapamilya.
Simula mag-join ng showbiz si Janine ay isa siyang Kapuso. Ngayon lang siya lumabas sa nakagisnang bakuran. At siguro naman nga, may malaking plano ang ABS-CBN kay Janine kaya dito siya pumirma sa kabila ng kawalan pa nito ng prangkisa sa ngayon.
Ang dami rin nag-congratulate kay Janine. Ilan sa mga celebrities pa nga na nabasa namin na nag-post ng congratulatory message rito ay mga Kapuso stars.
Maging ang boyfriend na si Rayver Cruz, kahit na sabihin na iniwan na ito ni Janine sa GMA-7 at mas malabo na magkasama pa sila sa isang serye o proyekto, suportado nito ang naging desisyon ng girlfriend.
Aniya sa tweet, “Soar high my love, will always be your number one fan.”
Tinutukso tuloy si Rayver kahit ng mga kapatid ni Janine. Mukhang kalilipat pa lang ay namimiss na agad ni Rayver.
Sa sumunod niyang tweet, “We’re soariiinnn flyin’ There’s not a star in heaven That we can’t reach If we’re tryin’ So we’re breaking free bwahaha! Miss u.”
***
NAPANOOD namin ang digital premiere ng digitally restored version ng hit romance drama na Radio Romance noong 1996.
Na-impress kami sa pagkaka-restored nito dahil ang ganda. Ang husay na talaga ng ABS-CBN’s Film Restoration unit at ng “Sagip Pelikula” sa pag-save ng mga old tagalog movies sa pangunguna ng head nito na si Leo Katigbak.
Parehong present sina Leo at Direk Joey Reyes sa digital premiere na nagbigay ng kanilang mga pahayag bago ang naging viewing. Ayon kay Direk, ang Radio Romance ang isa sa pinakapaborito niyang sinulat at dinirek na pelikula.
Personally, isa rin ito sa 90’s movie na paborito namin. Gustong-gusto namin ang pagkakatahi-tahi ng kuwento ng bawat character sa movie at gayundin ang editing.
In for a “throwback” talaga ang manonood nito at makakabili ng ticket sa KTX.ph. Kung hindi kami nagkakamali, first and last movie yata ito ni Paolo Abreira na lead kunsaan, si Gelli de Belen ang kapareha niya.
Bff sina Claudine Barretto at Jolina Magdangal sa kuwento with the late Rico Yan na introducing pa lang sa Radio Romance. Ang babagets pa rin nina Sharmaine Arnaiz at John Estrada.
Para sa mga dati nang nagustuhan ang movie at sa millennials, hayan at available na ang digitally restored version nito. (ROSE GARCIA)
-
2 tulak arestado sa P204K shabu sa Malabon
KULONG ang dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Ross Deguia, 23 ng Celia I St., Brgy. Bayan-Bayanan at […]
-
Clarkson lalaro sa FIBA World Cup Asian Qualifiers
MAS malakas na koponan ang ipaparada ng Gilas Pilipinas sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na lalarga sa susunod na buwan. Ito ang inihayag ni Gilas Pilipinas head coach at Samahang Basketbol ng Pilipinas program director Chot Reyes kung saan malaki aniya ang posibilidad na maglaro si Filipino-American Jordan Clarkson. […]
-
4 miyembo ng gabinete, sasabak sa Senate race sa ilalim ng PDP-Laban Cusi faction’
MAY apat na miyembro ng gabinete ang sasabak sa senatorial bids sa 2022 national elections sa ilalim ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) faction sa pangunguna ni Energy Secretary Alfonso Cusi. Araw ng Lunes nang kumpirmahin ni Cusi ang mga tatakbo bilang senador sa katauhan nina presidential spokesperson Harry Roque, presidential legal counsel […]