• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Congratulations sa Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings

GUSTO kong i-congratulate ang Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings pagdomina sa Virtual Special Awards Night ng 45th Philippine Basketball Association 2020 na ginanap nitong Linggo, Enero 17 makaraan ang isang buwang pagwawakas ng Philippine Cup sa Angeles City, Pampanga bubble.

 

Umiba ng nakagawian ang propesyonal na liga, walang ginawarang Most Valuable Player sanhi na all-Pinoy lang na komperensya ang naisagawa sa katatapos na taon na pinaikli ng Coronavirus Disease 2019.

 

Napanalunan ang highest individual award na Best Player of the Conference ni Gin Kings guard Stanley Wayne Pringle, Jr.

 

Dumale ang 33-anyos, 6-1 ang taas na Fil-Am ng 1,640 boto buhat sa mga player, media at Commissioner’s Office upang daigin sina Matthew Wright ng Phoenix Super LPG (1,578 votes), Roger Ray Pogoy (958) at Bobby Ray Parks, Jr.(876) ng TNT, Calvin Abueva (779) ng Fuel Masters, at Christian Jaymar Perez ng Terrafirma (668).

 

“All the players were deserving,” pahayag ni Pringle sa virtual acceptance rin sa award. “Just being nominated for me was a blessing.”

 

Kahanay niya sa Elite Five sina teammate Japeth Paul Aguilar, Wright, Abueva at Tropang Giga John Paul Erram.

 

Ang kakampi ni Pringle na si big man na si Prince Caperal ang nagwaging Most Improved Player, habang do-it-all player ni coach Earl Timothy Cone na si Earl Scottie Thompson ang tinanghal na Aveino ‘Samboy’ Lim, Jr. Sportsmanship award.

 

Tinapos ni Thompson ang may tatlong taong sunod na pag-uwi ni DanielGabriel Norwood ng Rain or Shine sa karangalan. KJasamang tinalo niya sina Abueva at Perez.

 

Kinopo naman ni Aaron Black ng Meralco ang Outstanding Rookie na pinalit muna sa Rookie of the Year. Ginapi ng anak ni Bolts coach Norman Black sina Arvin Tolentino ng BGSM, Kevin Barkley Eboña ng Alaska Milk, Roosevelt Adams ng Dyip at Aris Dionisio ng Magnolia Hotshots. (REC)

Other News
  • Brooklyn Nets malabo pa raw na agad na pakawalan si Kevin Durant

    HINDI umano basta-basta pakakawalan ng Brooklyn Nets ang kanilang veteran superstar na si Kevin Durant sa kabila ng paghahangad nito na lumipat na sa ibang team.     Una nang lumutang isyu na ninanais daw ni Durant na lumipat sana sa Phoenix Suns o kaya sa Miami Heat.     Ito ay sa kabila na […]

  • Magkakaroon pa ng formal announcement: ALDEN, nagsimula nang mag-shooting ng untitled movie nila ni JULIA

    NAGSIMULA nang mag-shooting ng movie sina Asia’s MultiMedia Star Alden Richards at si Kapamilya actress Julia Montes, last Sunday, April 16.       Wala pang title ang movie na co-production venture ng GMA Pictures at Cornerstone Entertainment at under the direction of Ms.  Irene Villamor.     Maraming nagulat sa balitang ito dahil walang announcement […]

  • Pagku-quit sa showbiz, itsa-pwera na: BEAUTY, ipinagmamalaki ang mga tattoo maliban sa ‘butterfly’

    KINUNAN namin ng pahayag si Beauty Gonzalez tungkol sa isyu ng kanyang mga alahas na isinuot sa GMA Ball noong July 22, 2023 kung saan isang cultural critic at independent curator, si Marian Pastor Roces. Sinita ang aktres dahil sa paggamit ng mga alahas na galing sa patay o “death mask” na ginagamit na pangtakip […]