• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA manlalaro ng ABL naglulundagan sa PBA

WALANG katiyakan pa kung kailan magbabalik ang ASEAN Basketball League (ABL) kaya napipilitang magtalunan ang player nito sa nakatakdang Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa Marso 14.

 

Pinakabagong lumayas sa regional league at nagsumite ng application form nito lang isang araw kasama ang kanilang agent-manager na si Charlie Dy sina Andrei Caracut at Tzaddy Rangel ng kapwa San Miguel Alab Pilipinas.

 

Nagpatala rin si Jun Bonsubre na nasa kwadra rin ni Dy.

 

May minimal minutes sina Caracut at Rangel  sa Alab sa 10th ABL 2019-20 noong isang taon bago nahinto ang liga sanhi ng Covid-19.

 

Nagbaon ang 5-foot-11 na si Caracut ng 9.6 points, 4.1 assists, at 3.0 rebounds sa huli niyang taon sa La Salle  Green Archers sa 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament 2020 rin.

 

May average ang 6-7 na si Rangel na 11 markers at 7.0 boards sa final year din niya sa National University Bulldogs sa UAAP 2020.

 

At nag-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) naman si Bonsubre sa Mandaluyong El Tigre at sa Zamboanga Family’s Brand Sardines. (REC)

Other News
  • 2 HULI SA AKTONG BUMABATAK NG SHABU SA NAVOTAS

    HIMAS-REHAS ang dalawang binata matapos maaktuhan ng mga tauahan ng Maritime police na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang kubo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Northern NCR MARPSTA Chief P/Maj. Randy Ludovice ang naarestong mga suspek bilang sina Ricardo Bueno, 47, fisherman ng Blk 1 Lot 39 Squater Area […]

  • Obiena ikinalungkot ang hindi pagsali sa World Indoor Championship

    IKINALUNGKOT ni Pinoy pole vaulter EJ Obiena ang hindi niya pagsali sa World Indoor Championship na gaganapin sa susunod na linggo sa Belgrade, Serbia.     Ito ay kahit na siya ay kuwalipikado sa nasabing torneo.     Sa kanyang social media account ay inihayag ni Obiena na sa mga nagdaang torneo ay malinaw na […]

  • Ads July 14, 2023

    adsjuly_142023