• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Posibleng pagba-bahay bahay para sa pagbabakuna ng COVID-19 vaccine

Sa pagdinig pa rin ng Committee on Health sa Kamara, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na exception lamang ito sa mga rules dahil kailangan pa ring sundin ang COVID-19 nationwide implementation na surveillance at monitoring ng adverse effects ng bakuna. 

 

Magkagayunman, sinabi ni Duque na isa ang “house to house inoculation” sa ikinukunsidera ng ahensiya para na rin sa kaligtasan ng mga vulnerable at high-risk na mga senior citizens.

 

Plano rin ng ahensiya na makipag-ugnayan sa Department of Education (DEPED) para naman sa paglalagay ng vaccination sites sa mga public elementary schools upang marami ang vaccination sites at mas madaling puntahan ng mga tao.

 

Target aniya ng mga itatalagang vaccination team na mabakunahan ang 100 pasyente sa isang araw.

 

Nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa digitalization ng sistema mula sa master listing, pre-registration at reporting ng mga adverse effects.

 

Ngunit aminado naman si Duque na hindi pa rin maiiwasan na mag-manual na paraan sa inoculation dahil maraming lugar sa bansa ang walang internet. (ARA ROMERO)

Other News
  • Timberwolves star bumisita kay Pacquiao

    Tuloy ang pagdagsa ng mga sports personalities at celebrities sa training camp ni eight-division world champion Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Hollywood, California.     Pinakahuling bumisita si NBA star Karl-Anthony Towns ng Minnesota Timberwolves na personal na pinanood ang isinasagawang ensayo ng Pinoy champion.     Nagbigay pa ng jersey si Towns […]

  • ASEAN Basketball League tuluyan nang kinansela ngayong taon

    Tuluyan ng kinansela ng ASEAN Basketball League ang bagong season ngayong taon dahil sa coronavirus disease 2019 o COVID-19.   Ayon sa liga, na kanila ng itutuloy ang mga laro sa 2021.   Labis kasi naapektuhan ang liga sa ipinatupad na lockdown kaya minabuti nilang kanselahin na lamang ang season.   Magugunitang noong Marso 13 […]

  • P86 bilyong investment deals nakopo ni PBBM sa Australia visit

    NAKAKUHA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng US$1.53 bilyon, o P86 bilyong puhunan mula sa 14 business deals na nilagdaan sa Philippine Business Forum sa sideline ng ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne nitong Lunes.     Sinabi ni Trade and Industry Secretary Alferdo Pascual, na ang mga business deal ay nakahanda upang himukin ang […]