Thompson inspirasyon Si Norwood
- Published on January 21, 2021
- by @peoplesbalita
Humakot ang Barangay Ginebra ng parangal sa katatapos na PBA Awards Night noong Linggo na matagumpay na idinaos via online streaming.
At isa sa mga nakatanggap ng pagkilala si Scottie Thompson na ginawaran ng Samboy Lim Sportsmaship Award.
Nakalikom si Thompson ng 2,360 puntos kung saan naungusan nito si CJ Perez ng Terrafirma na nagtala ng 2,069 puntos.
Masaya si Thompson sa award at itinuring nitong inspirasyon si Gabe Norwood na nagmamay-ari ng naturang parangal sa loob ng tatlong sunod na taon — mula 2017 hanggang 2019.
“Just following the footsteps ni kuya Gabe (Norwood) for playing the game the right way. Sobrang happy and truly blessed all the time that were playing the game the right way,” ani Thompson.
Ibinahagi ni Thompson ang kanyang award sa iba pang kandidato gaya nina Kevin Alas ng NLEX Road Warriors at Calvin Abueva ng Phoenix Fuel Masters.
“Lahat naman kaming naging nominee sobrang deserving. I think for me hindi madali itong Sportsmanship Award para makuha ko ito,” ani Thompson.
Mapapasama ang Sportsmanship Award sa listahan ng kanyang mga tropeo sa kanyang professional basketball career.
-
93 magsasaka, supporters inaresto sa ‘bungkalan’ sa Tarlac; red-tagging inireklamo
DINAMPOT ng pulisiya ang lagpas 90 aktibista’t magsasaka sa Concepcion, Tarlac, Huwebes, para sa reklamong “malicious mischief” at “obstruction of justice” sa isang sakahan — pero ayon sa mga grupo, benepisyaryo ng Comprehensive Agrarian Reform Program ang mga nabanggit noon pang 1998 at magtatanim lang. Ayon sa Police Regional Office 3, 9 a.m. […]
-
Sa ‘Responsableng Panonood Family and Media Summit’: Mayor JOY at Chair LALA, nagsanib-puwersa kasama pa si KORINA
IDINAOS kahapon, June 27 ang Responsableng Panonood Family and Media Summit ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) para hikayatin ang mga pamilya na maging mapanuri sa paggamit ng media. Ang summit, na ginanap sa Quezon City, ay dinaluhan ng mga kilalang personalidad, kabilang sina Quezon City Mayor Joy Belmonte, […]
-
Ikinuwento ang pinagdaanan sa pagpapa-slim… MOIRA, inaming tulog at pusa ang ilan sa mga nagpapasaya sa kanya
TINANONG namin sina Buboy Villar, Kokoy de Santos at Mikael Daez kung ano ang pinakamaganda o memorable nilang karanasan nang nag-shoot sila ng second season ng ‘Running Man Philippines’ sa South Korea kamakailan. Lahad ni Buboy, “Actually ang magandang memory po namin doon ay yung meron kaming mga guests. Kasi hindi po namin in-expect […]