• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Metro Manila, 7 pang lugar COVID-19 hotspots

NANANATILING hotspot sa COVID-19 ang Metro Manila sa loob ng nakalipas na dalawang linggo maging ang mga lalawigan ng Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Bulacan, Negros Occidental at Iloilo.

 

Ito ang resulta ng pagsusuri ng UP-OCTA Research Team base sa mga datos na naitatala ng Department of Health (DOH) sa mga bagong kaso kada araw.

 

Kahit na may panawagan na para sa pagpapaluwag ng ‘lockdown’, ipinanukala naman ng UP team sa pamahalaan na magdeklara ng mas mahigpit na ‘quarantine’ partikular sa Bauan, Batangas; Calbayog sa Western Samar; at General Trias sa Cavite.

 

Ito ay dahil sa pagtaas ng ‘attack rate per 1,000 people’ ng virus sa Bauan mula 6.2% noong Oktubre 4 sa 11.9% nitong Oktubre 11; 5.1% sa 8% sa Calbayog at 4.9% sa 7.6% sa General Trias.

 

Nabatid naman na patuloy ang pagdagsa ng mga bagong kaso ng COVID sa Metro Manila na mas mababa sa 1,000 kaso kada-araw.

 

Ngunit iginiit ng mga mananaliksik na maaaring agad na mabaligtad ito kung hindi mapapanatili ng pamahalaan ang mahigpit na panuntunan sa kaligtasan. (Ara Romero)

Other News
  • Bulacan public health, itinataguyod ang online na pagpaparehistro sa bakuna kontra COVID-19

    LUNGSOD NG MALOLOS– Sa isang taong mababakunahan kontra COVID-19, isang hakbang na mas malapit upang makamit ang herd immunity sa bansa.     Ito ang paalala ng Bulacan Provincial Health Office-Public Health na itinataguyod ang online na pagpaparehistro sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 sa kanilang opisyal na Facebook account at sa mga lugar ng bakunahan na tinawag […]

  • PBBM tiniyak may sapat na suplay ng bigas sa kabila ng nararanasang El Niño

    TINIYAK  ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na mayroong sapat na suplay ng bigas ang bansa sa kabila ng nararanasang El Nino o tagtuyot.     Sinabi ng Pangulo na walang dapat i-pangamba ang publiko na kapusin ang suplay ng bigas at mga pagkain.     Sa ambush interview sa Occidental Mindoro, sinabi ni Pang. Marcos […]

  • NAVOTAS GREENZONE PARK PHASE 3, BINUKSAN NA

    MAS marami na ngayong bukas na espasyo ang magagamit na pasyalan at libangan ng mga pamilyang Navoteño kasunod ng inagurasyon ng Navotas Greenzone Park Phase 3 na isa sa mga Adopt-a-Park projects ng Metro Manila Development Authority (MMDA).     Pinangunahan ni Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama si Atty. Romando Artes, […]