Serantes bumalik sa pagamutan
- Published on January 22, 2021
- by @peoplesbalita
NAGBALIK sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City ang 1988 Seoul Summer Olympic Games men’s boxing bronze medalist na si Leopoldo Serrantes dahil sa dati at matagal na niyang karamdamang pulmonya at sa sakit sa puso.
Pinabatid ng Philippine Sports Commission ang kalagayan ng 58-anyos at may taas na 5-2 na bayani ng mga Pinoy sa quadrennial sportsfest sa pamamagitan ng Twitter nito lang Miyerkoles, Enero 20. Humihiling din ang ahensya sa sports ng gobyerno ng panalangin sa lahat para sa mabilis na paggaling ng retiradong boksingero’t sundalo.
Nakikipagtalastasan naman si Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) secretary-general Edgar Genaro ‘Ed’ Picson sa PSC para makakuha ng pinansiyal na tulong para kay Serrantes na minsan na ring naratay at nakapanayam ng sumulat na ito sa naturang ospital, ilang taon pa lang ang nakararaan.
Kinopo niya ang medalyang tanso sa Seoul nang matalo sa semifinals kay Ivailo Khristov ng Bulgaria sa desisyon 5-0.
Dinaig niya sa quarterfinals si Mahjoub Mjirish ng Morocco sa referee stop contest, third round; si Sammy Stewart ng Liberia sa Round of 16, 5-0, at si Hassan Mustafa ng Egypt sa second round ng RSC sa Last 32 tapos mag-bye sa Round of 64.(REC)
-
PBBM, pinangunahan ng inagurasyon ng SORSOGON SPORTS ARENA
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Huwebes ang inagurasyon ng Sorsogon Sports Arena (SSA) na itinaon sa ika-130 taong anibersaryo ng lalawigan at pagdiriwang ng ika-50 taong anibersaryo ng Kasanggayahan Festival. Sinabi ni Pangulong Marcos na ang SSA, kayang maga-accommodate ng 12,000 katao at magsilbi bilang National Training Camp para sa […]
-
Administrasyong PBBM, maglulunsad ng media at information literacy campaign
MAGLULUNSAD ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng media at information literacy campaign habang ang Pilipinas ay pinuputakti ng “disinformation at misinformation.” Sa idinaos na 14th edition ng International Conference of Information Commissioners, ipinagmalaki ng Pangulo ang Freedom of Information (FOI) program. “We also have to highlight that the FOI […]
-
Pareho silang cover ng nagbabalik na Billboard PH: REGINE, patuloy na gumagawa ng history tulad ng ayaw paawat na SB19
AYAW paawat ng paborito naming grupo na SB19. Paano naman, sila ang nasa cover ng nagbabalik na music magazine, ang Billboard Philippines! Huminto ang publication ng naturang magasin noong 2018, at ngayong 2023 ay nagbabalik sila sa sirkulasyon at sino pa ba naman ang nararapat na sa cover nila kundi ang […]