• April 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 patay, 5 sugatan sa salpukan ng bus vs van

APAT ang patay habang lima ang sugatan sa salpukan ng isang van-for-hire at ng isang bus sa Barangay Estaca, sa bayan na ito kahapon (Biyernes) ng madaling araw.

 

Ayon sa imbestigasyon ng Compostela Police Station, galing Daan bantayan ang van at papunta na sanang Cebu City ng mabangga nito ang bus na papuntang Northern Cebu.

 

Kabilang sa namatay ang isang seaman na lilipad sanang Manila bago ang community quarantine sa National Capital Region sa Linggo dahil sa tumataas na kaso ng coronavirus disease 2019.

 

Iniimbestigahan pa ng otoridad kung bakit nagbanggaan ang dalawang sasakyan pati na rin ang alegasyon na nakatulog ang driver ng van na si Patrick Niel Tulo na kritikal ang kondisyon.

 

Ayon sa nakaligtas na pasaherong si Mark Lester Briones di niya masabing nakatulog ang driver ngunit sinabi niyang mabilis ang kanilang takbo at hindi umano ito dumadaan sa wastong lane.

 

Aminado naman ang driver ng bus na si Jerry Lubon di na siya nakaiwas dahil bigla nalang bumangga sa kanila ang van.

 

Hihingin ng mga awtoridad ang CCTV footage ng bus upang tingnan kung ano ang nangyari bago ang aksidente.
Haharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide, multiple physical injuries and damage to property ang driver na mapatunayang responsable sa aksidente.

Other News
  • Pacquiao patok sa South Korea

    MALA-rock star ang pagtanggap ng South Korea kay eight-division world champion Manny Pacquiao na kasalukuyang nasa Seoul para sa promotions ng exhibition match nito.     Kasama ni Pacquiao sa pagpo-promote si Korean YouTuber DK Yoo para sa kanilang bakbakan sa Disyembre 10 na idaraos sa naturang bansa.     Mainit ang pagtanggap ng South […]

  • Hidilyn ipinagmalaki ang buong team sa kaniyang tagumpay

    Labis ang pasasalamat ni Pinay weightlifting champion Hidilyn Diaz sa kaniyang kasamahan na naging susi sa tagumpay nito para makuha ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa sa Tokyo Olympics.     Kinibibilangan ito ng kaniyang coach na si Jeaneth Aro bilang nutritionist, sports psychologist Dr. Karen Trinidad; weightlifting coach Kaiwen Gao at strenght and conditioning […]

  • Maraming nag-attempt pero walang nagtagumpay: LLOYD, marunong um-exit ‘pag ramdam na ang harassment

    CRUSH at pantasya siya noon mapa-babae man o bading ang sikat na matinee idol noong Dekada ‘80 si Lloyd Samartino.   Kaya naman sa panayam namin sa kanya, dahil talamak na nangyayari ngayon sa showbiz ang issue ng sexual harassment, hiningan namin si Lloyd ng komento tungkol dito.   At umamin siya na noon pa […]