Lockdown sa PSC, RMSC, Philsports
- Published on March 13, 2020
- by @peoplesbalita
PARA masiguro na mapigilan ang paglaganap ng Novel Cornavirus Disease (COVID- 19), minabuti ng Philippine Sports Commission (PSC) na pansamantalang isasara ang tanggapan sa Maynila at Pasig upang isailalim sa sanitation ngayong araw (Biyernes, Marso 13).
Walang pasok ang mga empleyado at pansamantalang hindi muna ipagagamit sa publiko ang mga sports facilities sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila sa Philsports Complex sa Pasig.
“The PSC will implement a preventive closure tomorrow to undertake sanitation procedures in all its facilities in Manila and Pasig, in light of the World Health Organization (WHO)-declared COVID-19 pandemic,” bahagi ng anunsiyo na ipinalabas ng PSC.
Ngunit, siniguro rin ng tanggapan na babalik sa Lunes, Marso 16 ang operasyon ng naturang ahensiya ng gobyerno at patuloy na maglingkod sa mga atletang Pinoy.
“In this light, the public is advised that work is suspended tomorrow, March 13, as the different offices will also undergo sanitation. Work will resume on Monday, March 16. We advise everyone to be pro-active in ensuring their safety and good health,” anila.
Noong nakaraang buwan lamang nang magdesisyon si PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez na kanselahin lahat ng mga nakahanay na laro at aktibidades sa ilalim ng kanilang pamamahala, upang masiguro ang kaligtasan ng mga atleta, coaches at sports officials, gayundin ang publiko.
Kabilang sa mga kinasela ng PSC ay ang Philippine National Games (PNG), Batang Pinoy, National Sports Summit, at ilan pang mga pagpupulong.
Mabuti ‘yan, siguraduhin ang kaligtasan ng mg empleyado para mas maging epektibo silang manggagawa ng bansa.
-
1.3-M na 4Ps beneficiaries, inalis na sa listahan – DSWD
NAGLAHAD ng kanyang presentation kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Social Welfare Sec. Erwin Tulfo sa ginanap na cabinet meeting sa Malacanang hinggil sa ipinatutupad na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng pamahalaan. Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles na sa report ni Tulfo sa Pangulo, tinatayang 1.3 milyong benepisyaryo ng 4Ps […]
-
Marcos dadalo sa coronation ni King Charles III
DADALO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa coronation ni King Charles III sa Mayo. Ayon kay Ambassador Teodoro Locsin Jr., ang koronasyon ni King Charles at Queen Consort Camilla ay gaganapin sa Westminster Abbey sa Mayo 6, 2023 na pamumunuan ni Archbishop of Canterbury Justin Welby. Sinabi ni Locsin na […]
-
Panukalang daylight saving time sa NCR, pag-aaralan pa – MMDA
PINAG-AARALAN ng pamahalaan ang pagpapatupad ng daylight saving time sa gitna ng naobserbahang mabigat na daloy ng trapiko sa National Capital Region sa ilalim ng Alert level 1. Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, inirekomenda na maaaring gawin mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon ang pasok sa gobyerno maging ang mga […]