• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Klase sa lahat ng antas sa Bulacan, sinuspinde ni Fernando vs COVID-19

LUNGSOD NG MALOLOS- Sa rekomendasyon ng Provincial Health Office-Public Health at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sinuspinde ni Gob. Daniel R. Fernando ang klase sa lahat ng antas sa buong lalawigan ng Bulacan kahapon (Martes) bilang pag-iingat sa banta ng pagkalat ng coronavirus disease, na kilala bilang COVID-19.

 

Ang suspensyon ay alinsunod na rin sa Proklamasyon Blg. 922 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagdeklara ng state of public health emergency sa buong bansa sanhi ng COVID-19 matapos ianunsyo na may apat na bagong kaso ang naitala mula sa West Crame, San Juan, Santa Maria, Bulacan, at Project 6, Quezon City dahilan upang maging 24 na ang kumpirmadong kaso nito sa Pilipinas.

 

“Ang ating mga mag-aaral ay inaasahang mananatili sa kani-kanilang tahanan. Hinihiling ko din po na maging mahinahon at patuloy na mag-ingat ang lahat,” ani Fernando.

 

Samantala, nag-anunsyo naman ang Kagawaran ng Kalusugan na dahil sa kumpirmasyon ng localized transmission sa bansa at sa antisipasyon ng posibleng tuluy-tuloy na hawahan sa komunidad, itinaas na ang COVID-19 alert system sa Code Red (alert level 4) sublevel 1. Ang Code Red ay bunsod ng pagkakaroon ng kahit isang kaso ng lokal na pagsasalin ng nasabing sakit.

 

Bukod dito, base sa tala ng PHO-PH nitong Marso 9, lahat ng 10 na patients under investigation ay nagnegatibo na sa pagsusuri habang 57 naman mula sa 64 persons under monitoring, ang wala na sa listahan.

 

Dagdag pa rito, kanselado na rin ang ilang mga gawain sa Bulacan kabilang ang Renewal of Vows sa Lungsod ng San Jose del Monte ngayong araw (Marso 11); Scholars’ General Assembly ng programang Tulong Pang-Edukasyon para sa Kabataang Bulakenyo sa Marso 12; lingguhang iskedyul ng Bola Kontra Droga at Damayan sa Barangay, at Gawad Medalyang Ginto 2020 sa Marso 13. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • 1 Peter 5:7

    Cast all your cares on the Lord for he cares for you.

  • Halos 1-K mga protesters sa Russia inaresto

    NASA halos 1,000 katao na ang inaresto sa Russia dahil sa pagsasagawa ng kilos protesta sa iba’t ibang bahagi ng nasabing bansa.     Sa Moscow pa lamang ay umabot na sa mahigit 330 katao ang kanilang ikinulong.     Kinokondina ng mga Russian protesters ang ginawa ng kanilang sundalo na paglusob sa Ukraine.   […]

  • Pacman, hahabulin ng gobyerno sa P2.2 bilyong hindi binayarang tax

    HAHABULIN ng pamahalaan ang P2.2 bilyon pa ring utang sa buwis ng boxing icon at Senador Manny Pacquiao.   Sa PDP-Laban meeting ay nabanggit ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na aalamin niya sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kung ano na ang estado ng utang sa buwis ni Pacquiao.   “Mayroon akong.. he has a tax […]