Kabastusan sa mga jeep at tricycles, iayos a rin!
- Published on March 11, 2020
- by @peoplesbalita
MAY isang nanay ang nagpadala ng hinaing sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa mga bastos daw na rap song na madalas nang pinapatugtog ng mga jeepney drivers habang bumabiyahe.
Ang sumbong sa akin, malalaswa at bastos ang mga kanta na noon lang niya narinig nang sumakay siya ng jeep.
Gaya raw halimbawa ng mga rap song na may lyrics na “huwag ka paiy*# girl … huwag ka pai?0t”…meron pa ‘yung isang kanta na ang sabi … “mas gusto mo ba na dinidi&*an ka…kasi gusto mo na binx@bayo kita.”
May mga sticker din daw na puro pambabastos sa mga kababaihan at walang respeto at paggalang ang mga mensahe.
Nababastos po ang ilang mga babaeng pasahero lalo na ang nanay na nagsusumbong kasi madalas kasama nya ang anak na babae na 11-taong gulang pa lang. Meron din na mga tricycle na may mga stickers ng gagamba na ang sabi – “Miss pasapot naman”.
Sana raw ay hindi nabibigyan ng prangkisa ang mga public transportation na ganyan. Dapat ipagbawal ang mga malalaswang tugtog sa jeep at mga malalaswang mga sticker lalo at hindi naman mapipigil o mapipili ang mga sumasakay sa jeep at tricycle.
Ayon sa sumbong, madalas magpatugtog ng mga bastos ang mga jeep na ito lalo kapag may mga high school students na mga babaeng pasahero.
Minsan pa nga raw ay yung nga bastos na salita ay nakasulat pa sa mga tshirts ng drivers. Nakikiusap ang nanay na nagsumbong, na sana ma-regulate ang mga ganitong bastos na mga drivers lalo na yung ang mga ruta ay kung saan maraming mga menor-de-edad ang sumasakay. Sana ay makarating sa mga kinauukulan ang mungkahi ng nanay na nagsumbong. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
2 drug suspects huli sa P100K droga sa Valenzuela
MAHIGIT P.1 milyong halaga ng droga ang nasamsam sa dalawang hinihinalang drug personalities matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Valenzuela City. Sa kanyang report kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., sinabi ni PMSg Carlos Erasquin Jr na dakong alas-10:15 ng Martes ng umaga nang magsagawa ng […]
-
Higit P.5M droga, nasamsam sa HVI drug suspect sa Valenzuela
UMABOT sa mahigit kalahating milyong peso halaga ng shabu ang nasamsam sa isang drug suspect na itinuturing bilang High Value Individual (HVI) matapos matimbog ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Valenzuela City. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/Col. Josefino Liga, kinilala ni Valenzuela police chief […]
-
Pope sa pagpanaw ni P-Noy: ‘I commend his soul into the hands of God…’
Maging si Pope Francis ay nalungkot sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III. Sa kalatas na ipinadala sa Malacañang, nakikidalamhati ang Santo Papa sa pagpanaw ng dating pangulo ng bansa. Tiniyak ng 84-year-old pontiff ang pagdarasal para sa namayapang dating pangulo ng bansa. “Recalling the late president’s […]