• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Walang sabotahe sa pagbagsak ng PNP chopper’ – Gen. Gamboa

PINAWI ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang haka-haka na sabotahe o sinadya ang nangyaring pagbagsak ng Bell 429 chopper noong Huwebes kung saan sakay si Gamboa at ang pito pang opisyal ng PNP.

 

Ayon kay Gamboa na hindi siya naniniwala na may nagsabotahe sa insidente at walang matinong tao na gagawa ng pananabotahe.

 

Para kay PNP chief aksidente ang nangyari.

 

Pero hiling ni Gamboa na hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon ng SITG Bell 429 sa pamumuno ni Lt Gen. Guillermo Eleazar.

 

Hindi pa siya nagbibigay ng opisyal na pahayag sa SITG.

 

Lahat ng sakay sa chopper ay kukuhanan ng pahayag.

 

Nasa maayos na kalagayan na ang mga ito habang naka-confine pa ang dalawang piloto at isang crew.

 

Bumubuti na rin ang kondisyon nina Maj. Gen. Jovic Ramos at May. Gen. Mariel Magaway na nasa ICU ng Asian Hospital.

Other News
  • IATF-EID, pinag-aaralan ang “total lifting” ng paggamit ng face shield

    PINAG-AARALAN na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang posibilidad na alisin na ang kasalukuyang polisiya ukol sa paggamit ng face shields sa bansa.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagbaba ng kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ay maaaring makapaghikayat sa IATF-EID na i- withdraw […]

  • Nationwide earthquake drill sa ‘Big One’ ikinasa sa Marso 9

    BILANG paghahanda sa posibleng ‘Big One’ na tatama sa bansa, sinabi ng Office of Civil Defense (OCD) na isasagawa sa Marso 9 ang National Simultaneous Earthquake Drill (NSED).     Ayon kay OCD Joint Information Center head Diego Mariano, ang pagsasagawa ng quarterly nationwide earthquake drill ay paghahanda sa publiko sa posibleng malakas na lindol. […]

  • Ads November 5, 2022