• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapangyarihan ng Senado sa pagbawi sa anumang tratado, iginiit

SUMUGOD sa Supreme Court ang limang senador sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III upang humingi ng ruling kung may kapangyarihan ang Senado sa pagbasura ng anumang tratado tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA).

 

Dakong ala-1:30 kaninang hapon nang ihain ng abogado ng Office of the Senate President ang naturang petisyon o ang “petition for declaratory relief and mandamus.”

 

Sa kanilang petisyon para sa declaratory relief at mandamus, hiniling nina Sotto kabilang sina Senador Ralph Recto, Juan Miguel Zubiri, Franklin Drilon, Richard Gordon at Panfilo Lacson na ideklara na ang anumang tratado na pinagtibay ng Senado na dapat magkaroon ng concurrence ang Mataas na Kapulungan kapag ibinasura.

 

Anila, kailangan magpalabas ng kautusan ang SC na inaatasan ang respondents na kailangan magkaroon ng concurrence ang Senado sa Notice of Withdrawal alinsunod sa Section 21, Article VII ng 1987 Constitution.
Inihain ang petisyon isang buwan matapos ibasura ni Pangulong Duterte ang VFA dahil binawi ng State Department ang visa ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

 

Tinukoy na respondents sa petisyon ng mga senador sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr.

 

“The petition seeks a definition of the “constitutional boundaries” of the powers of the Senate and the executive branch of government, and does not concern the VFA alone,” ayon kay Drilon.

 

Sinabi naman ni Sotto na iginigiit lamang sa petisyon ang kapangyarihan ng Senado sa pagbawi ng anumang tratado.
“‘Yung ganitong klaseng kabigat na agreement na mahirap pasukan, napakahirap ng pagkakapasok dito, hindi pwedeng tapusin ‘to ng isang sulat lang. Hindi ganon kadali ang pananaw namin,” aniya.

 

Ngayong araw, may En Banc session ang Korte Suprema pero wala pang katiyakan kung makasasama ang petisyon ng mga senador sa agenda.
(Ara Romero)

Other News
  • Ads January 6, 2022

  • Pagpapatupad ng PhilHealth premium hike, apektado ang sahod ng mga guro

    IPINANAWAGAN ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang apela ng mga guro na suspindihin ang PhilHealth premium hike na lubos na nakaapekto sa sahod ng mga teachers.     “We strongly urge the suspension of the PhilHealth premium hike amid the soaring prices of basic goods, commodities and services. The hike […]

  • Ilang bagong opisyal, nanumpa sa harap ni Pangulong Marcos

    KINUMPIRMA ng Presidential Communications Office o PCO na nanumpa na ang mga bagong opisyal na bubuo sa mga pamunuan ng National Amnesty Commission (NAC) at iba pang ahensya ng pamahalaan.     Ayon kay PCO Sec. Cheloy Garafil, nanumpa na bilang chairperson ng NAC si Atty. Leah T. Armamento, kasama ang mga commission members na […]