• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Beli Bell, Bishop Blue pinagtalunan sa 2020 PHILRACOM

NAGDISKUSYON ang dalawang panatiko ng karera para sa nakatakda sa Marso 15 na 2020 Philippine Racing Commission (PHILRACOM) Three-Year-Old Maiden Stakes Race sa San Lazaro Leisure Park, Caromona, Cavite.

 

Halos mag-umbagan na sina Crisostomo Arguelles at Eugene Quiltan na parehong unang softdrinks sa isang tindahan na malapit sa dating karerahan sa Maynila.

 

Para kay Arguelles, patok aniya ang kabayong si Beli Bell dahil wala pang talo lalo pa’t si star jockey Jonathan Hernandez ang magdadala sa renda nito.

 

Binara siya ni Quiltan, na kinainisan ni Crisostomo dahil may halong angas ang mga pananalita.

 

Giniit ni Quiltan na lahat ng super horse sa karerahan ay nakatikim ng pagkabigo bago nagpapanalo. At hinirit niyang si Bishop Blue na ang tatalo sa Beli Bell.

 

Dahilan para magkasigawan ang dalawa, pero naawat naman agad ng mga nakikinig sa kanila, huminahon lang ang nagdedebate nang susisain sila ng isa pang karerista kung napanood na ang dalawang kabayo sa ensayo.

 

Pareho ang sagot nina Arguelles at Quiltan, hindi pa.

 

Makakalaban ng dalawa sina Carttierruo, Cat’s Magic, Drummer Girl, Laguardia, Sky Commander, Top Czar at Zibarawana sa may guaranteed prize na P1.2M racing event na may distansyang 1,500 meters.

 

Mabibiyaan ng P720,000 ang may-ari ng unang kabayong tatawid sa meta, P270,000 ang hahamigin ng pangalawa habang may P150,000 at P60,000 ang mga tetersera at pang-apat. (REC)

Other News
  • Prisoner swap… Walang ‘palit-ulo’ sa pagitan ng Pinas, Indonesia para kay Alice Guo — PBBM

    SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang prisoner-swap o ‘palit-ulo’ sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia kasunod ng pag-aresto sa dinismis na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.   Sa naging panayam ng mga miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC), winika ni Pangulong Marcos na walang ‘official request’ mula sa Indonesian government para sa […]

  • Pinas, patuloy na ipoprotesta ang “illegal’ na presensiya ng China sa WPS

    HINDI titigil ang gobyerno ng Pilipinas na maghain ng protesta laban sa ilegal na presensiya ng China sa West Philippine Sea (WPS).     Sa katunayan, nakapaghain na ang Pilipinas ng 77 protesta laban sa China, kabilang na ang 10 na protesta ngayong taon, sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.   […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 31) Story by Geraldine Monzon

    LASING SI Jeff nang dumating. Inalalayan ito ni Andrea hanggang sa silid. Palabas na ang dalaga nang tawagin siya nito.   “Andrea…”   “Po?”   “Hubaran mo ako.”   Hindi makasagot si Andrea.   “ANDREA!”   “PO?”   “Bingi ka ba?”   “H-hindi po sir…”   “Ang sabi ko, hubaran mo ‘ko, halika rito!”   […]