• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Zero active COVID cases target ng Navotas

INIHAYAG ni Mayor Toby Tiangco na zero active COVID-19 cases ang hangad niyang makamit para sa kanyang nasasakupan.

 

Kaya’t muling hinikayat ni Tiangco ang mga residente at manggagawa sa lungsod na makilahok sa libreng community testing ng lungsod para sa COVID-19.

 

Ngayong Oktubre maliban sa huling araw ng buwan ay nagtakda ang City Health Office ng swab testing tuwing Sabado para mabigyan ng pagkakataon ang mga hindi makaalis sa kanilang mga hanapbuhay kapag may pasok.

 

“Habang may kaso ng COVID-19 sa lungsod, dapat tayong manatiling maingat. Ang mabilis na pagbaba ng ating posi- tivity matapos an gating inisyatibong agarang ‘test, trace, treat and isolate’ ng mga pasyente ay nagpapakita na tayo ay nasa tamang landas,” ani Tiangco.

 

Mula 23% noong Hulyo, sumadsad ang positivity rate ng lungsod sa 7% sa pagtatapos ng Setyembre.

 

“Naging epektibo ang ating estratehiya. Kailangan natin itong ipagpatuloy para makamit natin ang zero cases sa lalong madaling panahon,” dagdag ng alkalde.

 

Hanggang Oktubre 5 ay 34,003 tests na ang naisagawa ng Navotas City o 12.7% ng populasyon nito.

 

Sa mga nais magpa-test, makipag- ugnay sa kanilang mga barangay. Sa mga establisimiyento na gustong ipa-test ang kanilang mga empleyado, tumawag sa Business Permits and Licensing Office sa mga numerong (0921) 376 2006 and (0921) 890 7520. (Richard Mesa)

Other News
  • American swimmer Anita Alvarez nawalan ng malay habang nasa kumpetisyon

    NILIGTAS ng kanyang coach si American swimmer Anita Alvarez matapos na mawalan ng malay sa ilalim ng swimming pool habang ito ay nakikipagkumpetensiya sa FINA World Aquatic Championships s Budapest, Hungary.     Mabilis na tumalon sa pool si Coach Andrea Fuentes para iligtas ang 25-anyos na si artistic swimmer ng ito ay lumubog sa […]

  • ALDEN at BEA, naghahanda na kung paano gagampanan ang challenging role; lock-in shooting malapit nang simulan

    GINAWA na ang contract signing nina Alden Richards at Bea Alonzo with the three producers na magpu-produce ng inaabangan nang first movie team-up nila, ang A Moment To Remember (Philippine adaptation) ng Korean movie.      Present sina Vincent del Rosario ng Viva Films, Atty. Annette Gozon-Valdes ng GMA Pictures at Mike Tuviera ng APT […]

  • Face-to-face classes sa NCR, sinuspinde

    Sinuspinde muna ng Department of Education (DepEd) ang pagdaraos ng pilot face-to-face classes sa National Capital Region (NCR), kasunod na rin nang pagsasailalim muli ng pamahalaan sa rehiyon sa Alert Level 3 status dahil sa muling pagtaas ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19.     Sinabi ng DepEd na muli na lamang nilang ipagpapatuloy […]