MMDA: 117 pedestrians, namatay noong 2019
- Published on March 6, 2020
- by @peoplesbalita
MAY 117 na pedestrians ang naitalang namatay noong 2019 ayon sa report ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saan sila ay tinatawag na “most vulnerable road users.”
Ayon sa datos ng MMDA sa ilalim ng Metro Manila Accident Reporting and Analysis System, noong 2018 ay mayroong 141 na pedestrians ang nasawi at 167 naman noong 2017. Mas mababa ang bilang ng namatay noong nakaraang 2019.
“This is because of the continuous efforts of the MMDA in providing traffic engineering solutions and interventions for safer roads,” ayon sa MMDA.
Ang nasabing 117 na pedestrians ay umaabot sa 45 percent ng total fatalities noong 2019 kung kaya’t sila ay mga “high-risk” road users.
“Pedestrians are the most vulnerable road users. This makes them high-risk safety concerns not only in Metro Manila but nationwide. It has recorded the highest number of deaths yearly and constitute 45 percent of all road traffic fatalities,” dagdag ng MMDA.
Samantalang, may naitala namang 4,605 na pedestrians ang nasaktan sa non-fatal road collision noong nakaraang taon.
Mas maraming private cars at motorcycles ang may naitalang may pinakamataas na percentage ng road crash kada taon dahil sila ay may malaking bilang ng sasakyan sa lansangan.
May 234 na motorcycles, 98 trucks at 80 cars ang nasangkot sa fatal road accidents at crashes noong 2019. Sa ngayon ay mayroong 476,102 na private cars ang tumatakbo sa mga lansangan sa Metro Manila sa naitalang datos noong 2018 habang ang motorcycles naman ay may bilang na 1,284,345 na registered units.
Sa kabilang dako naman, inihayag ng MMDA na extended ang libreng sakay sa Pasig River ferry service hanggang Marso 31. Dapat sana ay tapos na ang libreng sakay noong nakaraang Marso 2 subalit ito ay tinuloy pa rin hanggang katapusan ng Marso.
“We are happy to hear that people are enjoying the ferry ride going to their destinations. Commuting by ferry have become a way of life for Metro Manila residents. That is why we extended the free rides,” wika ni MMDA Chairman Danilo Lim.
Ang Pasig River ferry service ay muling inilungsad noong nakaraang Disyembre, mas marami na ang sumasakay dito upang makaiwas ang mga commuter sa traffic sa mga lansangan.
May plano ang MMDA na maglagay pa ng karagdagang ferry stations na itatayo sa Quinta Market, Manila; Circuit sa Makati; at Kalawaan sa Pasig. (LASACMAR)
-
Robredo voters lumobo habang Marcos dumapa nang kaunti sa survey — Pulse Asia
BAHAGYANG nabawasan ang mga Pinoy na iboboto sa pagkapangulo si survey frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang umakyat naman ang mga nagsabing kay Bise Presidente Leni Robredo sila ngayong Mayo 2022, ayon sa Pulse Asia. Ito ang lumabas na resulta, Miyerkules, matapos ang pag-aaral na ginawa mula ika-17 hanggang ika-21 ng Marso sa […]
-
28M Pinoy, nananatiling hindi pa bakunado laban sa COVID-19
TINATAYANG umaabot pa sa 28 hanggang 30 milyong Filipino ang hindi pa bakunado laban sa COVID-19. Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na kabilang sa numerong ito ang 3 milyong senior citizens o nasa edad na 60 pataas. Dahil dito at sa patuloy na pagtaas ng bilang […]
-
Pulis na sangkot sa duterte drug war, kailangan ng legal aid
SANG-AYON ang mga lider ng Kamara na kailangang tumulong ang gobyerno lalo na sa pagbibigay ng legal aid sa mga pulis na nakaharap sa kasong kriminal at administratibo dahil sa kanilang partisipasyon sa war on drugs ng dating administrasyon. Sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Quad Committee overall presiding officer, na […]