Kaligtasan ng fans vs COVID-19, una sa PBA
- Published on March 6, 2020
- by @peoplesbalita
PINAKAUNA sa lahat para sa Philippine Basketball Association (PBA) ang kaligtasan ng mga manonood kaya tiniyak ng propesyonal na liga na nakalatag ang hakbang pangkaligtasan kapag nagbukas ang 45th season sa Linggo, Marso 8, sa likod ng coronavirus outbreak.
Inatasan ng PBA ang venues na ng bawat games na magkaloob ng medical supplies kagaya ng thermometer scan, hand sanitizer o alcohol para sa publikong miron.
Sa Araneta Coliseum ang pagbubukas ng Philippine Cup tampok ang nag-iisang laro ng defending champion San Miguel Beer at Magnolia sa rematch ng 2019 Philippine Cup finals.
“Yes, usapan na namin sa mga venue na sila ang magpo-provide nun (medical supplies),” bulalas kahapon ni commissioner Willie Marcial. “Malaking bagay ‘yun. Tayong mga Pilipino, nag-iingat din.”
Sa taunang pagpaplano sa Milan ilang linggo pa lang ang nakararaan, si Marcial din ang nagmungkahi na mula sa dating Mar. 1 na iskedyul ng opening, pinagpaliban ito ng isang linggo dahil sa Chinese virus.
“Na-suggest ko ‘yun na i-delay muna para malaman natin kung ano ang mangyayari. Sa tingin ko nakabuti naman,” dugtong ng opisyal, na umaning dahil sa postponement ay posibleng humaba ang season.
“Baka umabot kami hanggang February. Malaking bagay ‘yung isang linggo,” wakas komisyoner.
Pero walang kaso ito sa PBA, basta sa kaligtasan ng lahat. (REC)
-
Nurses sa Pinas mauubos na – DOH
MALAKI ang posibilidad na maubos na ang mga nurses na nagtatrabaho sa Pilipinas kung hindi maaampat ang patuloy na pag-alis nila patungo sa ibang bansa dahil sa mas malaking pasuweldo. “I saw the figures, mas marami ‘yung umaalis kesa sa napo-produce natin [more nurses are leaving than what we are producing]. In a […]
-
Mahigit 100,000 katao sa US kasalukuyang na-admit sa hospital dahil sa Omicron variant
Pinalawak pa ng US Food and Drug Administration ang otorisasyon sa paggamit ng emergency para sa mga nagpapalakas ng bakuna sa COVID-19 ng Pfizer sa mga batang edad 12 hanggang 15-anyos. Sinabi ni Dr. Peter Hotez, dean ng National School of Tropical Medicine sa Baylor College of Medicine na ang mga bata ang […]
-
PBBM: Wala ng extension ng consolidation para sa PUJs
SA ISANG pahayag ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. kanyang sinabi na wala ng ibibigay na extension ang pamahalaan sa deadline ngayon Dec. 31 tungkol sa consolidation ng mga public utility jeepney (PUJs) upang maging kooperatiba o korporasyon. “We held a meeting with transport officials and it was decided that the deadline […]