Labor issues na binanggit ng sekyu na hostage taker, iimbestigahan ng DOLE
- Published on March 4, 2020
- by @peoplesbalita
IIMBESTIGAHAN ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang labor issues sa mall sa Greenhills San Juan.
Ito ay kasunod ng mga pahayag ng hostage taker na si Archie Paray na naglabas ng hinaing sa mga problema nilang security guards.
Iniutos na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang pag-iinspeksyon sa mga mall sa Greenhills para matiyak na sila ay sumusunod sa labor standards at occupational and health standards.
Bago mangyari ang insidente kamakalawa, sinabi ni Bello na may mga reklamo na silang natanggap dahil nagkaroon umano ng sibakan nang mag-take over ang Ayala sa Greenhills management.
Hindi naman binanggit ni Bello ang kumpletong detalye sa take over.
Pinatitingnan din ni Bello ang labor practice ng security agency na sangkot sa usapin.
Binanggit din ni Mayor Francis Zamora na inooperan daw ng security agency ng 1 milyon si Paray para kumalma at maayos na ang kanilang problema
“ “Yung security agency was offering P1 million pero hindi niya tinanggap kasi hindi pera ang kailangan niya eh.
“Ang kailangan niya marinig lang ‘yung hinaing. Napakasimple kaya binigay natin,” pahayag ni Zamora.
Samantala, iginiit ng Philippine National Police na kahit pinabayaan nilang magsalita ang hostage taker ay nakahanda naman sila sakaling may gawin itong masama.
Ayon kay PNP spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac, nakaantabay ang kanilang mga sniper unit para kay Paray.
“Hindi natin nakita na naging mapanganib dahil concealed umano ‘yung baril at nakita naman natin na free ang kamay niya at nakaantabay doon ‘yung mga snipers natin,” ayon kay Banac.
“Sa pagbibigay ng decision habang nagpo-progress ‘yung situation crisis, lahat ng posibleng paraan na maaaring gawin para magkaroon ng early, peaceful resolution,” aniya pa. (Daris Jose)
-
“SPIDER-MAN: ACROSS THE SPIDER-VERSE” DROPS NEW POSTER
COLUMBIA Pictures has unveiled the official poster for Spider-Man: Across the Spider-Verse which shows an upside down Miles Morales flanked by a multitude of Spider-People. Check out the poster below and watch Spider-Man: Across the Spider-Verse in Philippine cinemas June 2023. [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/m-aC_4-kAmY] About Spider-Man: Across the Spider-Verse Miles […]
-
TD ni Curry tunaw sa Heat
NAGSALPAK si Jimmy Butler ng limang sunod na puntos habang kumamada si Max Strus ng 24 markers sa 116-109 pagsunog ng Heat sa nagdedepensang Golden State Warriors. Tumapos si Butler na may 23 points at may 19, 17 at 13 markers sina Bam Adebayo, Duncan Robinson at Kyle Lowry, ayon sa pagkakasunod, para […]
-
Gilas Pilipinas magsisimula na ang ensayo sa Lunes
MAY mga ilang PBA teams na ang nagpahayag ng kanilang interest na maglalagay ng kanilang manlalaro sa Gilas Pilipinas sa sasabak sa November Window ng FIBA World Asian Qualifiers. Ayon sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) posibleng karamihan sa mga manlalaro na bubuo sa Gilas Pilipinas ay manggagaling sa TNT, San Miguel Beer […]