Cayetano kay Velasco: Kung gusto ni Duterte, magiging speaker ka
- Published on March 4, 2020
- by @peoplesbalita
IGINIIT ni House Speaker Alan Peter Cayetano na wala nang dapat pang pag-usapan sila ni Marinduque Rep. Lord Allan Velasco dahil tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang maaaring sumira sa napagkasunduang ‘term sharing’ ng speakership sa Mababang Kapulugan ng Kongreso.
Makaraang ituro si Velasco bilang nasa likod nang planong coup d’ etat laban sa kanya, pinayuhan din ito ni Cayetano na magtrabaho na lamang sa halip na magsiraan at mag-intrigahan.
Muli rin niyang ipinahayag na paniniyak na handa siyang tumalima sa nabuong kasunduan, kaya kung tutuusin ay walang dapat na ikatakot si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na siyang kanyang kahati sa speakership dahil kung ito naman ang gusto ng Pangulo ay walang magiging hadlang ng kanyang pag upo.
“Huwag kang (Velasco) matatakot na hindi ka magiging Speaker kasi kung ‘yan talaga ang gusto ng Presidente, he is the head of our coalition, mangyayari ‘yan,” ayon kay Cayetano.
Samantala, bumuwelta naman si Cayetano sa mga reklamo na kung bakit hindi ibinigay sa House Committee on Energy na hawak ni Velasco ang pag-iimbestiga sa P100-bilyong utang ng mga power producer sa PSALM.
Iginiit ng lider ng Kamara na pinili ni Velasco na maging chairman ng House Committee on Energy pero tumanggi naman itong dinggin ang mga utang sa PSALM kaya pinahawak na lamang ito sa House Committee on Public Accounts at Good Government and Public Accountability.
Kung tinanggap lang daw sana ni Velasco ang alok niya dati pa na maging senior deputy speaker ay kasali din sana siya sa lahat ng nga pagdinig tulad ni Majority Leader Martin Romualdez. (Ara Romero)
-
Cignal stuns Creamline, zeroes in on finals
Natigilan si Riri Meneses nang ibuka niya ang kanyang mga pakpak sa isang kilos ng pagtatagumpay at ang Cignal HD Spikers ay tumabi sa kanilang panig ng court upang ipagdiwang ang isang key 23-25, 25-23, 28-26, 25-18 tagumpay laban sa pinangarap. Creamline Cool Smashers noong Linggo bago ang malaking tao sa Linggo sa Smart Araneta […]
-
Kumpiyansa si Delos Santos sa all-Filipino Cignal vs F2
Ang Cignal ay gumawa ng isang nakakagulat na hakbang upang simulan ang laban nito laban sa F2 Logistics sa Premier Volleyball League Reinforced Conference noong Sabado. Ang HD Spikers ay naging All-Filipino sa unang set, na napatunayang epektibo nang sila ay sumugod sa 25-21 opener laban sa Cargo Movers kung saan si Lindsay Stalzer […]
-
Kobe Bryant Jersey posibleng maibenta ng P385-M
Posibleng maibenta sa auction ng hanggang $7 millyon ang basketball jersey ng NBA star na si Kobe Bryant. Ang jersey ay isinuot ni Bryant sa unang round ng 2008 Western Conference finals laban sa Denver Nuggets. Ayon sa Sothebys auction na hindi pa rin nito mahihigitan ang jersey na isinuot ni Michael Jordan […]