• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapalaran ng Elite, itataas ni Racela

UMANGAS lang ang Blackwater sa 44th Philippine Basketball Association Commissioner’s Cup 2019 na lumagak sa No. 3 pagkaraan ng 11-game eliminations sa 3-7 win-loss card, pumasok sa quarterfinals pero sinibak ng Rain or Shine 2-1.

 

Bago magbukas ang 45th PBA Philippine Cup sa Linggo, Marso 8, abala ang pabango sa trade pero walang nadaleng marquee player na nabingwit. Buhat sa North Luzon Expressway, dumaan lang si John Paul Erram sa Blackwater na garahe sa Talk ‘N Text.

 

Nalambat ng Elite sina Marion Magat, Yousef Taha at Eduardo Daquioag Jr., mula KaTropa, pinakawalan naman sina Anthony Semerad at Rabeh Al-Hussaini pa-Road Warriors.

 

Kalahating miyembro ng koponan ay mga bagong dating o hindi pa nakabubuo ng isang kumpletong season sa Blackwater.

 

Pinalitan pa ng Elite si coach Aristeo Dimaunahan pagkatapos nang nagdaang season, tinapik si Raoul Cesar Racela para magtimon sa team o bilang coach.

 

Ang natangay ng Elite sa nagdaang draft ang mga buhat sa FEU Tamaraws na sina Richard Escoto at Hubert Cani wala pa sa final roster.

 

Sa pinakahuling trade, mababago pa ang final lineup ni Racela. Top pick ng Elite sa draft noong Disyembre si Maurice Shaw na No. 2 pick overall, kasunod ni Roosevelt Adams ng Columbian.

 

Sina Rey Mark Belo, Carl Bryan Cruz, Mike Tolomia at Ron Dennison pa ang former FEU players ni Racela.
Kaya lang si Cruz ay injured pa at si Belo ay kaoopera lang ng tuhod. Hindi pa sigurado kung kailan makakabalik-hardcourt sila.

Other News
  • ‘Di pa rin nagpa-follow back sa IG account nila: TOM, balitang muling nanliligaw kay CARLA kaya posibleng magkabalikan

    MARAMING netizens at fans ng Kapuso couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang naghihintay pa rin kung ano ang totoo sa pananahimik nilang dalawa sa issue na naghiwalay na sila.      Ayaw na ba nila talagang buksan or i-follow ang kani-kanilang Instagram accounts para naman malaman ng fans nila kung may aasahan […]

  • Itatagal volcanic smog mula sa Bulkang Taal, hindi pa matukoy – PHIVOLCS

    HINDI pa matukoy sa ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology kung hanggang kailan magtatagal ang nararanasan volcanic smog mula sa Bulkang Taal.     Ayon sa PHIVOLCS, hangga’t nagpapatuloy ang pagbubuga ng sulfur dioxide ng Bulkang Taal ay magtutuluy-tuloy din ang nararanasang vog sa ilang bahagi ng Luzon.     Ayon sa ahensya, […]

  • MISTER PINALO NG KAHOY SA DIBDIB, DEDO

    Nasawi ang isang 51-anyos na lalaki matapos hatawin ng kahoy sa dibdib ng isang 21-anyos na binata makaraan ang pagtatalo sa Valenzuela city.     Dead-on-arrival sa Valenzuela City Emergency Hospital ang biktima na kinilalang si Romeo Almeria, 51 ng Blk 2 Lot 22 Phase 2A, Brgy. Bignay.     Kasalukuyan namang nakapiit habang nahaharap […]