Magkapatid timbog sa P340K shabu
- Published on March 3, 2020
- by @peoplesbalita
ARESTADO ang isang bebot at ang kanyang kapatid na kelot matapos makumpiskahan ng nasa P340K halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ng bagong hepe ng Valenzuela City Police na si P/Col. Fernando Ortega ang mga naarestong suspek na si Khalillah Dagalangit, 23, at kanyang kapatid na si Jamil Dagalangit, 22, kapwa ng Tala, Caloocan City.
Ayon kay P/Col. Ortega, dakong alas-4 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna nu P/Capt. Segundino Bulan Jr. ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Gen. T. De Leon, ng lungsod sa koordiansyon sa PDEA.
Nagawang makapagtran-saksyon ng isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer sa mga suspek ng isang sachet ng shabu kapalit ng P1,000 marked money at nang magkaabutan na, agad sumugod ang back-up na mga operatiba saka dinamba ang magkapatid.
Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t-kumulang sa 50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga, buy bust money, P500 cash, tatlong bundles ng empty plastic sachets, isang digital weighing scale, cellphone, at sling bag.
Kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek. (Richard Mesa)
-
UMID ID ng SSS, papalitan ng ATM Pay Card
PAPALITAN na ang regular UMID card na ginagamit ng mga miyembro ng Social Security System (SSS) matapos makipagkasundo ang ahensya sa mga bangko para sa pagpapalabas ng bagong UMID ATM Pay Cards. Kapag mayroon nang UMID ATM Pay Cards, ang SSS members ay mas mabilis nang makakakuha sa kanilang account ng kanilang benepisyo, […]
-
225 Filipino, napauwi na sa Pinas mula Ukraine
UMABOT na sa 225 Filipino ang napauwi na sa Pilipinas mula Ukraine. Ang pinakahuling batch ng mga repatriates, kinabibilangan ng 52 indibiduwal ay dumating sa bansa, Sabado ng gabi. “There are 98 Filipinos outside of Ukraine who are awaiting repatriation while “a little over a hundred” chose to stay in the […]
-
Kapit sa patalim na rin ang papasikat na sanang male model
Biglang naging kuya ng mga bagong Kapuso stars si Kristoffer Martin sa lock-in taping nila ng aabangan na teleserye titled Babawiin Ko Ang Lahat. Nanibago raw si Kristoffer dahil nasanay siyang mga kaedad niya o mas may edad sa kanya ang mga nakakatrabaho niya sa teleserye. Ngayon daw ay tawag sa kanya ay “kuya” […]