Mga nasawi sa buong mundo sanhi ng COVID-19, lagpas 3K na
- Published on March 3, 2020
- by @peoplesbalita
LAGPAS 3,000 na ang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 as of March 2, kasabay ng pagtatala ng 42 pang mga nasawi mula China.
Mula Hubei province ang lahat ng mga bagong nasawi, ayon sa National Health Commission, dahilan para umakyat na sa 2,912 ang mga namatay sa mainland China.
Naiulat din ng mga health officials ang pinakamababang daily tally mula pa noong Enero na may 202 bagong kaso.
Sa China, patuloy na bumababa ang bilang ng mga kaso kung saan mayroon lamang anim na kumpirmadong kaso sa labas ng Hubei. Noong naka-raang taon nagsimula ang virus sa central China, ngunit kumalat na ito sa mahigit 60 na bansa sa buong mundo.
Naiulat na sa Estados Unidos at Australia ang unang nasawi sa sakit nitong weekend, habang halos dumoble naman ang mga tinamaan ng virus sa nakalipas na 48 oras sa Italy.
Sinabi naman ng World Health Organization na partikular na tumatama ang virus sa mga taong edad 60 pataas na at mayroon nang iniindang mga sakit.
Ayon pa sa ahensya, karamihan sa mga taong may COVID-19 ay nakararanas lamang ng mga mild na sintomas habang nasa 14 na porsyento ang mayroon malalang sakit kagaya ng pneumonia at limang porsyento naman ang nagiging “critically ill”.
Nasa pagitan umano ng dalawa hanggang limang porsyento ang mortality rate ng outbreak.
Nasa 0.1 na porsyento lamang ang average mortality rate ng seasonal flu ngunit higit na nakakahawa na aabot sa 400,000 katao sa buong mundo ang mga namamatay mula rito kada taon.
Nagkaroon ng 9.5 na porsyento at 34.5 na porsyento ang mortality rate ng ibang strain ng coronavirus na Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at Middle East Respiratory Syndrome (MERS). (Daris Jose)
-
DILG ipinasara POGO na ikinakabit sa ‘human trafficking’ sa Pampanga
ISANG illegal na Philippine Offshore Gaming Operator ang ipinasara ng Department of the Interior and Local Government sa Pampanga matapos mapag-alamang may kaugnayan diumano ito sa human trafficking ng mga Tsino. Pinangunahan ni Interior Secretary Benhur Abalos Jr. ang pagpapasara sa “Lucky 99 South Outsourcing Inc.” kasama ang pwersa ng Philippine National Police […]
-
Ads December 13, 2022
-
BBM-Sara UniTeam: Mga komunidad sa BARMM tulungan laban sa vaccine hesitancy
Nanawagan ang BBM-Sara UniTeam sa pamahalaan na paigtingin ang pagbabakuna sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at ayudahan ang mga komunidad nito upang matugunan ang pag-aalinlangan sa bakuna ng mga residente. Naalarma sina Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice-presidential aspirant Sara Duterte sa mga ulat na ang BARMM […]