• July 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Libreng Ferry ride, extended pa; Higit 2K bus driver sususpendihin – MMDA

INANUNSYO ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang planong pagpapalawig sa Pasig River Ferry Service (PRFSkalakip ang libreng sakay ngayong buwan ng Marso.

 

Ayon sa MMDA, pinahaba hanggang Marso 31 ang libreng sakay mula sa orihinal nitong araw na Pebrero 29.
“We are happy to hear that people are enjoying the ferry ride going to their destinations and commuting by ferry has become a way of life with Metro Manila residents. That is why we are extending the free ride until March 31,” pahayag ni MMDA chairman Danilo Lim.

 

Nasa 700 hanggang 1,000 ang pasaherong sumasakay araw-araw sa bangka.

 

Sinabi rin ng MMDA na plano pa nilang magtayo ng bagong tatlong ferry stations sa Quinta Market, Circuit Makati, at Kalawaan sa Pasig.

 

“I am optimistic that our future plans will further boost the ferry’s commuter patronage,” dagdag pa ni MMDA Deputy Chairman Frisco San Juan, Jr.

 

Samantala, inihayag din ng MMDA na bumuo sila ng guidelines at katuwang nila ang Land Transportation Office (LTO) kung paano ipatutupad ang suspensyon ng lisensya sa pagmamaneho ng mahigit 2,500 bus driver dahil sa labis at paulit-ulit na paglabag sa mga batas trapiko.

 

Sa pulong balitaan na ginanap kahapon (Lunes) sa tanggapan ng MMDA headquarters sa Guadalupe, Makati City sinabi ni MMDA General Manager Jojo Garcia, na nangangamba sila na maapektuhan ang sektor ng transportasyon kung ito ay magkakasabay-sabay ang suspensyon sa mga pasaway na mga bus driver.

 

Sinabi ni Garcia na makikipagpulong sila sa mga bus operator at iba pang stakeholders kasama ang LTO.
Aniya, pinadalahan na ng show cause order ang mahigit 2,000 bus drivers na may violation at kalahati nito ay pawang mga sumagot na.

 

Ipinaliwanag pa ni Garcia na sa ilalim ng Republic Act 4136, ‘pag ang driver na may lisensya ay nakagawa ng tatlong magkakaparehong violation sa loob ng 12 buwan o isang taon ay awtomatikong suspended na ang lisensya nila, na minimum na isang taon at maximum ng dalawang taon.

Other News
  • UGNAYAN NG PSC, KAMARA PINATIBAY

    WALANG problema para sa Philippine Sports Commission ang pagiging abala sa kaliwa’t kanang mga trabaho, matapos itong ipatawag ng Senate at Congress para sa serye ng hearings sa mga proposed bills sa sports.   Inimbitahan ni Senate Committee on Sports Chairman Sen. Christopher Lawrence Go para sa Philippine Boxing and Combat Sports Commission consultative hearings […]

  • Thailand ibabalik na ang ‘quarantine-free’ scheme

    NAKATAKDANG ituloy ng Thailand ang quarantine-free travel scheme sa Pebrero 1.     Ang nasabing scheme ay temporaryong inihinto dahil sa bahagyang pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant.     Sinabi Thailand COVID-19 task force spokesperson Taweesin Visanuyothin na ang mga fully vaccinated travelers ay maaari ng makapasok sa kanilang bansa sa ilalim ng […]

  • Ngayong nasa wastong edad na: JILLIAN, mas may pressure sa sarili dahil gustong mag-improve

    NGAYONG eighteen years old na si Jillian Ward na nagkaroon ng isang pabulosong debut party noong February 25 sa Cove ng Okada Manila.     Ano ang maituturing ni Jillian na malaking pagbabago sa kanyang personal na buhay ngayong disiotso anyos na siya?     “Sa totoo lang po, wala po masyado.     “Siguro […]