• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Laylo in, Sadora out sa World Chess Olympiad

KINUHA ng National Chess Federation of the Philippines ang serbisyo ni Grandmaster Darwin Laylo na pinalitan si Grandmaster Julio Catalino “Ino” Sadorra para sa national team na sasabak sa 44th World Chess Olympiad sa Agosto 5 hanggang 18 sa Moscow, Russia.

 

“ Grandmaster Julio Catalino “Ino” Sadorra will be replaced by Grandmaster Darwin Laylo, who placed second to International Master Haridas Pascua in the 4-man elimination tournament held recently, in the Olympic team,” sabi ni Atty. Cliburn Anthony Orbe, newly-appointed executive director ng National Chess Federation of the Philippines sa gabay nina chairman/president Prospero “Butch” Arreza Pichay Jr. at secretary-general Abraham “Bambol” Ng Tolentino Jr.

 

Ang final line-up ayon kay Orbe ay sina Laylo, reigning Philippine National Chess Champion Grandmaster Rogelio “Banjo” Barcenilla Jr., Grandmaster John Paul Gomez, International Master Paulo Bersamina at International Master Haridas Pascua.

 

Si Laylo, isa sa top players ng multi-titled Philippine Army chess team sa pangangasiwa nina Usec Lieutenant General, AFP (Ret.) Arthur Tabaquero (AFP Presidential Adviser on Military Affairs) at Col. Dexter Macasaet (Director, SSC, IMCOM, PA), ay nagbigay ng kanyang kahandaan sa kanyang Olympiad quest kung saan ay sisimulan na niya ang intensive training ngayon Sabado.

 

Siya rin ay galing sa magandang performance sa Hong Bao Rating Tournament 2020 (Open division) na ginanap sa Singapore Chess Federation Conference Room sa Bishan, Singapore nitong Enero 25 hanggang 27, 2020, kung saan nais masundan ang kanyang tagumpay sa muling paglahok sa Singapore Chess Federation High Performance Enrichment (HPE) sa Bishan, Singapore.

Other News
  • Buhay ng 41% Pinoy ‘di nagbago – SWS

    WALA umanong na­ging pagbabago sa kalidad ng buhay ng karamihan ng mga Pinoy sa bansa, sa nakalipas na taon.   Ito ang resulta ng isang non-commissioned survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 28 hanggang Oktubre 1, 2023.   Batay pa sa naturang survey, nasa 41% ng mga Pinoy ang ikinategorya bilang […]

  • Number coding, maaaring mapalawak sa Kalakhang Maynila ngayong Alert Level 1 na- MMDA

    MAAARING lumawak pa ang number coding scheme sa Kalakhang Maynila ngayong sumailalim na sa Alert Level 1.     Ang pahayag na ito ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ay matapos na ianunsyo ng Malakanyang ang naging desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ang National Capital Region at 38 iba pang lugar ay isasailalim […]

  • Priority Group A4 list, aprubado na

    INAPRUBAHAN na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang Priority Group A4 ng National COVID-19 Vaccine Deployment Plan.   Ang Priority Group A4 ay kinabibilangan ng mga commuter transport (land, air, at sea), kasama ang logistics; public at private wet at dry market vendors; frontline workers sa mga groceries, supermarkets, delivery services; mga manggagawa sa paggawa […]