• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, nagpaabot ng pagbati kina Biden at Harris matapos manumpa bilang mga bagong Presidente at Bise-Presidente ng Estados Unidos

AYAW patulan at sakyan ng Malakanyang ang naging panawagan ng Duterte Youth party-list sa Department of National Defense (DND) na kanselahin na rin ang agreement nito sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) katulad ng ginawa sa University of the Philippines (UP).

 

Sa ulat, ang katuwiran ni Duterte Youth party-list Representative Ducielle Cardema na ang UP-DND Accord at PUP-DND Accord ay klarong klaro na special treatment na inabuso na sa matagal ng panahon.

 

“Karapatan naman po iyan ng Duterte Youth na magsalita ano? pero iyan po ay opinyon ng Duterte Youth,” giit ni Sec. Roque.

 

Nauna rito, sinabi ni Cong. Cardema, UP graduate na ilang makakaliwa na ang nang-abuso sa UP-DND Accord.

 

“With this in mind… the Duterte Youth party-List fully supports the move of the DND to cancel the UP-DND Accord which has been abused by some radical leftist groups to promote the youth recruitment of the CPP-NPA-NDF in their campuses,” ani Cardema.

 

“As Vice-Chairperson of the House Committee on National Defense and Security, I call on the DND to also cancel its similar PUP-DND Accord,” lahad pa nito.

 

Batay kay Cardema, ang UP-DND at PUP-DND Accords ay bumubuo ng inequality sa higit 400 campuses ng State Universities and Colleges (SUCs) sa bansa.

 

“Itong UP-DND Accord at PUP-DND Accord ay klarong klaro na special treatment na inabuso na, sa tagal ng panahon.”

 

‘Kung sa 400 plus campuses ng iba’t ibang SUCs ng bansa wala namang ganyang accord pero peaceful naman, tama lamang tanggalin na ang special treatment na yan na naaabuso rin naman,” giit pa nito.

Other News
  • JOSHUA, may tsikang ini-stalk nina JULIA at GERALD ayon sa netizens

    PINAG-USAPAN nga ang pagpayag ni Joshua Garcia na makasama ang kanyang ex-girlfriend na si Julia Barreto sa music video ng ‘Paubaya’ ni Moira dela Torre na hanggang ngayon ay #1 on Trending sa Youtube na meron nang 19.6 million views simula nang I-upload noong Febraury 14.     Isa nga sa dahilan ni Joshua ay […]

  • Mga audience hindi muna papayagang manood sa mga laro ng PBA

    WALA munang mga fans na papayagan ang Philippine Basketball Association (PBA) sa muling pagbabalik ng mga laro.     Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, na ito ang isa sa kanilang napagkasunduan sa ginawang pagpupulong ng board.     Nais kasi ng PBA na maiwasan ang pagkakahawaan ng COVID-19 lalo na aniya at mataas pa […]

  • PDu30, galit na hinamon si Pacquiao na ituro ang ‘corrupt’ na opisina ng gobyerno

    Hinamon ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Manny Pacquiao na ituro sa kaniya kung saan ahensiya ang sinasabi nitong may pinakagrabeng nangyayaring kurapsyon.     Sa weekly address ng pangulo sinabi nito na agad siyang gagalaw kapag maituro ng senador ang ahensiya at mga taong may nangyayaring kurapsyon.     “Si Pacquiao salita nang salita […]