MAINE, masayang kasama si ARJO sa wedding entourage ng kapatid; wish ng marami na magkatuluyan
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
NAG-VIRAL na naman sa social media ang mga photos nina Maine Mendoza at Arjo Atayde.
Kuha ang mga larawan sa wedding ng brother ni Maine na si Nico at sister-in-law na si Krisha na kung saan kasama ang love birds sa wedding entourage, na in-upload sa fan account online na @everythingarmaine.
At based sa mga pictures, kitang-kitang ang kaligayahan nina Maine at Arjo at marami ang nagsasabi na perfect for each other sila and hopefully, mauwi rin sila sa kasalan.
Nag-post din si Maine sa kanyang IG account na mga photos, dalawang solo pic at dalawang rin na kasama si Arjo, na may caption na, “Yesterday’s look for my brother’s wedding” at marami talaga ang natuwa.
- Narito naman ang ilan sa comment ng netizens:
“Next na ang Armaine.
“Sana nga talaga para maka move on na mga Delulus at tigilan na si Alden kasi siya pa yung lagi sinisisi sa mga gawain ni girl.
“The Aldub freaks are again saying edited, please move on, it is 2021, been 6 years ago. Enough.
“Not an aldub/maine/alden/arjo fan ha? Pero wala naman ako nakikitamg comments na nagsasabi edited yung pic lol. Girl ikaw ang mag move on ha!
“Ikaw nalang may sabi niyan.. wala nang paki mga fans ni yayadub noon na nagpasikat sa kanya sa lovelife niya ngayon.
“dami pa ding comments from delulus sa IG and twitter. FAKE and
“EDITED, not to mention sarzuela daw ang lahat. Yung iba naman sabi gate crasher si Arjo at ang totoong kasama ay si Alden at ang dalawang anak nila.
“nasa twitter kasi lahat ng delulu. Hindi ka naman nag check ng twitter so natural wala ka makikita.
“I think (he/she) is pertaining to those fans on Twitter not necessarily here sa comment section. In case you’re not aware marami pa rin nauuto ng mga accounts na puro imbento yung mga tweets about Alden and Maine. They are the same people na nagpapakalat na kasal at may anak na daw yung dalawa.
“Sarap sa feeling pag legal on both sides tapos nakakasali sa family events ni jowa. #relatemuch.
“Hindi kagwapohan si Arjo but he looks dashing pero si Maine waley talaga ganda.
“Aw. Sana sila na talaga. Kasi mahirap yan pag nag-break, di mabubura sa wedding photos ang ex. Yan ang reason kung bakit sa debut ng pinsan ko isang pinsang lalaki lang din namin ang kinuha nyang escort.
Hahaha this is true. Pag di pa sure, wag isama sa official family photos as much as possible.
“May mga angle talaga si Maine na hindi appealing. I guess it’s her lips/mouth?
“Are you kidding? It is those lips that are MOST appealing. They’re called pillow lips and everyone hopes to have it.
“Mas fresh at bata tignan si Arjo kaysa kay Maine.
“Si maine and alden daw ang kinasal, edited daw ito hahahahhahaha.
“Real pic versus ig pic. Lol.
“Eh anong gusto nyo perfect sa ganda pero pangit naman ang kalooban at puros kaplastikan? Atleast kung para sainyo d kagandahan c maine eh dun lang sya sa totoong nagmamahal sknya at kung saan sya masaya. Kesa naman mabuhay sya sa ilusyon ng mga delulu na d naman sya gusto nung lalaki na pinagduduldulan sya. Don na tau sa totoo diba? Magbago na kayo bashers! Maine is happy at wala naman problema sknya, pti real fans supportado sya at family nya. Kayo nalang ang natitirang bittermelons.
“Ang tanong… paano gagawin ng mga adn kuno na kasalanan ni Alden na magkasama ang armaine?”
Well, sana nga mas marami pa ang matuwa sa relasyon at pagmamahalan nina Arjo at Maine na kaka-celebrate lang ng kanilang second anniversary.
(ROHN ROMULO)
-
BINASBASAN sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang bagong Intensive Care Units (ICUs) at specialty clinics ng Navotas City Hospital (NCH)
BINASBASAN sa pangunguna nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco ang bagong Intensive Care Units (ICUs) at specialty clinics ng Navotas City Hospital (NCH) na naglalayong pahusayin ang healthcare services para sa mga Navoteño at nagmamarka ng isa pang hakbang tungo sa pagkamit ng isang Level 2 accreditation mula sa Department of Health. […]
-
Unang batch ng bakunang Pfizer laban sa Covid-19, wala pang arrival date-Malakanyang
WALA pang arrival date para sa first batch ng 117,000 Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines sa ilalim ng COVAX facility. “Wala pa po tayo naririnig na balita,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. “Dahil ‘yan po ay ipapadala sa pamamagitan ng eroplano. Ang inaasahan natin ay magbibigay notisiya ang Pfizer sa atin kung naisakay na […]
-
PROGRAMA PARA SA EMPLOYMENT NG MGA PWDs, INILUNSAD NG QC
NAGLUNSAD ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng programa na tatanggap sa mga persons with disability bilang mga empleyado o manggagawa at ang programang ito ay bahagi ng komitment ng lokal na pamahalaan na tiyakin ang pantay na oportunidad sa mga most vulnerable sector ng pamayanan. Sa ilalim ng “Kasama Ka sa […]