• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tiger Woods, umatras sa mga sasalihang torneyo matapos sumailalim uli sa back surgery

Napilitan si golf superstar Tiger Woods na umurong muna sa mga lalahukan sana nitong torneyo makaraang sumailalim muli sa back surgery.

 

 

Una rito, inanunsyo ng kampo ni Woods na sumalang ito kamakailan sa isang microdiscectomy surgery para tanggalin ang pressurized disc fragment sa kanyang likod.

 

 

Kaya naman, hindi muna maglalaro si Woods sa Farmers Insurance Open sa Torrey Pines, maging sa Genesis Invitational sa Riviera, na gaganapin mula Pebrero 18 hanggang 21.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ng kampo ng 15-time major winner na naging matagumpay ang operasyon at inaasahan din ng mga doktor na gagaling ito nang tuluyan.

 

 

Ayon naman kay Woods, sisikapin niya raw na makarekober agad nang makabalik na rin ito sa paglalaro ng golf.

 

 

“I look forward to begin training and am focused on getting back out on tour,” wika ni Woods.

 

 

Hindi naman nagbigay si Woods ng petsa kung kailan ito posibleng magbalik-aksyon.

Other News
  • Libreng sakay mananatili sa gitna ng welga sa transportasyon

    SA ISANG pahayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay sinabi ng ahensiya na patuloy pa rin na manantili ang libreng sakay na binibigay ng national at lokal na pamahalaan kapag patuloy na magkakaron ng welga ang mga public utility jeepneys (PUJs) sa Metro Manila.       “The LTFRB will coordinate with […]

  • ANNE, agad na pinakalma ang nag-panic na Kapamilya fans; nag-pitch lang ng pelikula pero ‘di lilipat tulad ni BEA

    NABULABOG at nag-panic ang solid Kapamilya fans nang lumabas photo na pakikipag-zoom meeting ni Anne Curtis-Smith sa executives ng GMA Films na sina Atty. Annette Gozon-Valdes at Joey Abacan, na halos kasabay ng pagpirma ni Bea Alonzo sa GMA Network.     Say ng isang netizen kay Anne, “please tell us na gma films lang […]

  • Kung kinakailangan para ma- accommodate ang mga katanungan na may kinalaman sa 4Ps: DSWD, magbubukas ng mga tanggapan sa weekends

    HANDA ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) na magbukas ng kanilang mga tanggapan sa mga araw ng Sabado at Linggo, kung kinakailangan para ma- accommodate ang mga katanungan ng indibidwal at pamilya na nagnanais na maging bahagi ng  Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).     Sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na ang […]