Kobe Paras pass sa 3rd window
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
Habang nag-commit na si Kai Sotto sa third window ng FIBA Asia Cup Qualifiers, hindi naman masisilayan sa aksyon si Gilas Cadets member Kobe Paras.
Walang darating na Paras sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna dahil nagpasya itong lumiban sa third window dahil sa personal na kadahilanan.
Ayon sa ulat, nagpaalam na ang University of the Philippines standout sa kanyang mga teammates gayundin sa miyembro ng coaching staff.
Huling naglaro si Paras noong Nobyembre sa second window ng qualifiers sa Manama, Bahrain.
Nagtala ito ng averages na 3.5 points, 5.5 rebounds, 2.0 assists, at 1.0 steals sa dalawang panalo ng Gilas Pilipinas kontra sa Thailand.
Sina Javi Gomez de Liaño, Dave Ildefonso, Justine Baltazar, Calvin Oftana, William Navarro at Kemark Cariño ang Gilas Cadets na kasalukuyang nasa loob ng ‘Calambubble’.
Inaasahang darating naman ngayong araw sa bubble ang iba pang miyembro na sina Juan Gomez de Liaño at Dwight Ramos.
Makakasabay ng dalawa ang bugso ng PBA players na nagkumpirmang lalaro sa third window.
Nauna nang pumasok sa bubble sina Kiefer Ravena ng NLEX, CJ Perez ng Terrafirma at Justin Chua ng Phoenix.
-
PELIKULANG MAID IN MALACANANG, HUWAG PANOORIN PANAWAGAN NG OBISPO
NANAWAGAN ang isang Obispo na huwag tangkilikin ang kontrobersyal na pelikulang “Maid in Malacañang.” Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, inilarawan nito ang pelikula bilang “shameless,” at nanawagan sa mga tao sa likod nito na mag-isyu ng paghingi ng tawad. “The producer, scriptwriter, director and those promoting this movie should […]
-
Queen of Pop Madonna Regrets Turning Down A Role In ‘The Matrix’ And Catwoman In ‘Batman Returns’
THE Queen of Pop regrets saying no to a role in The Matrix, though she didn’t specify which role. Madonna revealed the news on NBC’s The Tonight Show to host Jimmy Fallon. “I turned down the role in The Matrix, can you believe that?” she said to Fallon. “I wanted to kill myself. That’s […]
-
ARJO at mga co-stars, pwede na uli mag-shooting sa Baguio pag fully recovered na; FDCP, natuwa dahil tuloy ang trabaho
NAGKAAYOS na ang magkabilang kampo sa naganap ng pakikipag-meeting ng head ng Feelmaking Productions, Inc. na si Ellen Criste at iba pang co-producers kay Mayor Benjamin Magalong sa Baguio City. Matapos na mapag-usapan protocols na ayon nga naunang report ay nagkaroon ng violations, bagay binigyan linaw ni Criste. Sa interview ni MJ […]