Navotas naghahanda na sa implementasyon ng COVID-19 vaccination
- Published on January 25, 2021
- by @peoplesbalita
Naghahanda na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa implementasyon ng kanilang COVID-19 vaccination para sa mga residente nito.
Sa naganap na meeting na pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco, kasama ang City Health Department at mga department head, nasa 267,000 ang kasalukuyang populasyon sa Navotas at nasa 103,000 ang edad 18 pataas na target mabakunahan.
“Hindi po sabay-sabay ang pagdating ng bakuna kaya kailangan meron po tayong priority list. Pinakauna ay ang ating mga public at private medical frontliners dahil sila po ang may pinakamataas na tsansa ng exposure sa COVID-19. Importante po na proteksyunan natin ang mga nag-aalaga sa atin”, ani Tiangco.
Ang mga nasa priority list ay mga frontline health workers, indigent senior citizens, iba pang senior citizens, indigent population, mga uniformed personnel, mga guro at school health workers, lahat ng government workers, Essential workers sa agrikultura, food industry, transportasyon at turismo, mga nakakulong, PWD, mga residenteng nakatira sa matataong lugar, Overseas Filipino Workers (OFWs), iba pang manggagawa, mga mag-aaral at iba pa.
Paalala ni Tiangco, mahalaga na magpalista sa COVID-19 vaccination program para maging handa sa pagdating ng bakuna ngunit, hindi aniya nangangahulugan na mababakunahan kaagad dahil susundin ang priority list sa pagbabakuna, ayon sa polisiya ng DOH.
Sinabi pa niya, kahit malayo sa priority, ang importante ay magpalista agad, dahil kung wala sa listahan, lalong wala tsansang masama sa mga mababakunahan.
Sa mga hindi pa nakapag-register, kumpletuhin lamang po ang form na ito: https://bit.ly/3qm2SYD. Sa mga walang gadget o internet connection, hintayin lamang ang anunsyo kung paano makakapag-register. (Richard Mesa)
-
DBM, tiniyak sa mga guro ang pagpapalabas sa 2022, 2023 productivity bonus
TINIYAK ng Department of Budget and Management (DBM) na ipalalabas nito ang Performance-Based Bonus (PBB) ng public school teachers para sa Fiscal Years 2022 and 2023 sa kabila ng ipinalabas na Executive Order (EO) No. 61, may mandato na rebisahing mabuti ang Result-Based Performance Management System (RBPMS) at ang Performance-Based Incentive System (PBIS). Inihayag ito […]
-
Mababa sa 0.0013% ng 9-M fully vaccinated Pinoy ang tinamaan ng COVID-19 – FDA
Iniulat ng Food and Drugs Administration (FDA) ang mga “breakthrough COVID-19 infections” sa mga indibidwal sa kabila na sila ay mga nabakunahan pero ito ay maliliit lamang na bilang o porsyento. As of August 1, mayroong 116 kaso ng COVID infection sa mga indibidwal na fully vaccinated kung saan 88% dito ay mild […]
-
Um-attend sa wedding ng sister na si Cloie sa Sweden… KC, puring-puri ng netizens at tinawag na ‘Pambansang Sister’
PURING-PURI ng mga netizens si KC Concepcion na pagiging mabait at mapagmahal sa mga kapatid niya sa amang si Gabby Concepcion. Sa latest IG post niya, umattend siya ng wedding ng half-sister niya na si Cloie Syquia (anak ni Jenny Syquia) na kinasal kay Fredrik Hill na ginanap sa Stockholm, Sweden. Ibinahagi niya […]