• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Paggamit ng e-cigar/vapes sa pampublikong lugar, bawal na rin – EO 106

INILABAS kahapon, Pebrero 28 ng Malacañang ang isang Executive Order (EO) na nagbabawal sa paggawa, pagbebenta at pag-advertise ng mga hindi rehistradong electronic cigarettes (e-cigar) o vapes at iba pang mga naglalabasang bagong uri ng tobacco products.

 

Ang Executive Order 106 ay nag-aamyenda sa nauna ng EO 26 na nagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

 

Nakapaloob sa EO 106 na iniulat ng Department of Health (DOH) na ang paggamit at pagkakalanghap ng usok mula sa e-cigarettes o vapes ay nagdu-dulot ng kahalintulad na respiratory illness, cardiovascular diseases, addiction, cancer, neurodegeneration, brain development retardation at iba pang sakit na dulot ng paninigarilyo.

 

Kaugnay nito, imbes na “No Smoking Zone” ang ipapaskil na babala, gagawin na itong “Non-Smoking/Vaping Buffer Zone.” Habang “Designated Smoking/Vaping Area” (DSVA) ang mga lugar sa isang gusali na itatalagang puwedeng mag-yosi o mag-vape.

 

Dapat ding iisa lamang ang DSVA sa isang gusali at dapat sarado ito upang hindi maka-kalabas ang usok sa open air.
“Non-Smoking/Vaping Buffer Zone” (Buffer Zone) is a ventilated area between the door of a DSVA not located in an open space and the smoke/vape-free area. There shall be no opening that will allow air to escape from such Non-Smoking/Vaping Buffer Zone to the smoke/vape-free area, except for a single door equipped with an automatic door closer. Such door is distinct from the door of the DSVA, which shall be at least two (2) meters away from the other,” bahagi ng EO 26.

 

Samantala, kung dati ay mula 18-anyos lamang ang puwedeng bumili o bentahan ng sigarilyo, itinaas na ito sa edad na 21.

 

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EO 106 nitong Pebrero 26 at epektibo sa loob ng 15 makalipas ang publikasyon sa pahayagang may national circulation.

 

Inaatasan ng EO 106 ang Food and Drugs Administration (FDA) na bumuo ng implementing rules and regulations (IRR) sa loob ng 30 araw matapos maging epektibo ang EO.

Other News
  • POC nagsumite na ng mga sports na sasalihan ng Pilipinas sa 2022 Asian Games

    Maaga pa lamang ay inilabas na ng Philippine Olympic Committe (POC) ang bilang ng mga sports na sasalihan ng bansa sa 2022 Asian Games.     Gaganapin ang nasabing torneyo sa Setyembre 10 hanggang 25 sa Hangzhou, China.     Ilan sa mga dito ay ang aquatics, archery, athletics, baseball, softball, men’s basketball, men’s 3×3 […]

  • Walang Pinoy casualty sa deadly triple-train crash sa India – envoy

    WALANG  mga Filipino ang kabilang sa nasawi o nasugatan sa nangyaring deadly triple-train collission malapit sa Balasore silangang estado ng Odisha.     Ito ang inihayag ng Embassy of the Philippines sa New Dehli, India.     Batay sa ulat ng mga otoridad halos nasa 300 na ang nasawi habang nasa 900 ang sugatan at […]

  • 3 patay sa sunog sa Caloocan

    TATLONG katao, kabilang ang isang tatlong taong gulang na batang babae ang nasawi matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.   Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Beatris Oralio Alegria, 64, Vicente Junior Oralio Alegria, 65, at Althea Oralio, 3- anyos, pawang ng Kamagong St. Pangarap Village, Brgy. […]