Abueva out pa rin sa PBA, misis nagngitngit sa galit sa socmed
- Published on February 29, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI pa rin makababalik sa hardcourt si Calvin ‘The Beast’ Abueva ng Phoenix Pulse para sa 45th Philipine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020 na papailanlang sa darating na Marso 8.
Ayon kay PBA Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial, may mga dapat pang tapusing gawin ang basketbolista para tuluyang ma-lift ang kanyang suspension sa pro league.
“Nag-uusap kami. May pinag-uusapan pa kami. May pinapagawa pa ako,” dagdag ng opisyal ng propesyonal na liga.
Pinag-ensayo pa lang ng liga si Abueva para sa Fuel Masters simula pa noong Setyembre, ngunit pinagbabawalan pa sa mga tune-up game.
“Kapag naayos agad ‘yun at okay na, ie-elevate ko sa board kung ano ang recommendation ko,” panapos saad ni Marcial.
Multang P70,000 at ban sapul noong Hunyo si Calvin nang i-clothesline si TNT import Terrence Jones sa Commissioner’s Cup at pambabastos sa dyowa ni Bobby Ray Parks, Jr. ng Talk ‘N Text na si Maika Reyes.
Samantala, sumabog naman ang ngitngit sa social media ng asawa ni Abueva, na si Salome Alejandra ‘Sam’ Abueva dahil sa hindi pa rin pagpayag ng PBA na makabalik ang kanyang mister sa paglalaro para sa Phoenix Pulse sa pagbubukas ng ika-45 edisyon ng liga.
“Para sa lahat! Sana makarating sayo kung sino man ikaw? Kayo? Gusto ko lang sana malaman kung ano po ba ang basehan kung bakit hangang ngayon hindi pa rin nakalalaro ang asawa ko,” himutok ni Sam sa kanyang Instagram. “Hindi pa ba sapat ang siyam na buwan para sa parusa na binigay ninyo? Hindi pa ba sapat na lahat naapektuhan dahil sa pangyayari na ito? ‘Di pa ba sapat na pati limang anak namin naapektuhan sa pangyayari na ito? ‘Di pa ba sapat na pati pamilya ng asawa ko sa Pampanga nagsasakripisyo para rito?” (REC)
-
On-screen chemistry nina SANYA at GABBY, sekreto sa tagumpay ng ‘First Yaya’
MAGWAWAKAS na ngayong gabi ang well-loved primetime series ng GMA Network, ang First Yaya. After ng ilang buwan na panalo sa ratings game at sa puso ng manonood dahil na rin sa enthralling plot at gripping performances ng buong cast. Sa final week, na-convince ni Melody (Sanya Lopez) si President Glenn […]
-
‘About Us But Not About Us’, tinanghal na Best Film: JULIA, CHARLIE, GLADYS, ENCHONG at PIOLO, waging-wagi sa ‘The 7th EDDYS’
ITINANGHAL na Best Actress sina Julia Montes at Charlie Dizon habang waging Best Actor si Piolo Pascual sa katatapos lang na The 7th EDDYS o Entertainment Editors’ Choice ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd). Nanalo si Julia para sa natatangi niyang pagganap sa pelikulang “Five Breakups And A Romance” at si Charlie […]
-
DOTr: MM Subway pinabibilis ang konstruksyon
TULUY-TULOY ang ginawang konstruksyon sa Metro Manila Subway project kung saan ang Department of Transportation (DOTr) ay lumagda sa isang “right-of-way usage agreement” sa apat (4) na malalaking kumpanya para sa pagtatayo ng dalawang (2) estasyon nito. “We inked right-of-way usage agreement with Megaworld Corp., Robinsons Land Corp., Ortigas & Co. Ltd […]