• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, humingi ng paumanhin sa kabiguan ng PhilHealth na bayaran ang P930 milyong utang sa PRC

HUMINGI ng paumanhin ang Malakanyang sa naging kabiguan ng state medical insurer PhilHealth na bayaran ang utang nito na umabot sa P930 milyon sa Philippine Red Cross (PRC) dahilan upang mapilitan ang huli na itigil ang COVID-19 tests.

 

Ang PRC ang responsable para sa 1 milyong COVID-19 tests, o 1/4 ng 3.8 million tests ng bansa.

 

Sinabi ng organisasyon na hindi na sila tatanggap ng specimens para sa PhilHealth funded- tests matapos ang 11:59 ng gabi, araw ng Huwebes, dahil sa “ever-increasing” outstanding balance ng ahensiya.

 

“Malaking kawalan po iyan kung ititigil nila ang testing for PhilHealth. Pero ako naman po ay kampante na mayroon lang talagang mga internal problema ngayon ang PhilHealth na alam naman nating lahat,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“Humihingi po ako ng pasensya sa PRC on behalf of the President,” dagdag na pahayag nito.

 

Matatandaang inakusahan ng mga whistleblower sa pagdinig ng Senado si Philippine Health Insur- ance Corporation (Philhealth) President and Chief Executive Officer (CEO) Ricardo Morales na inaprubahan ang overpriced projects at ang pagpapalabas ng mga pondo para sa mga pinapaborang ospital pero agad naman nitong itinanggi ng CEO ng state insurer.

 

Nilagdaan ni Morales ang memo- randum of agreement para sa PRC tests, ayon naman kay National Task Force (NTF) against COVID- 19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

 

Ang successor naman ni Morales na si Dante Gierran ay gusto na matiyak na nasa ayos ang lahat bago mai- settle ang PRC dues.

 

“‘Pag favorable po ang comment ng DBM, tuloy-tuloy na po iyon,” aniya pa rin.

 

“I am confident that the issue will be resolved immediately,” dagdag na pahayag ni Galvez.

 

Sa ulat, pinayagan ng pamahalaan ang 147 laboratory na magpatakbo ng coronavirus tests.

 

Sa ngayon, ang iba pang laboratoryo ay maaaring i-take over ang PRC’s load.

 

“In other words ‘wag naman po mag-alala ang ating mga kababayan,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • 49 napaulat na namatay, mahigit isang milyong katao apektado ng Paeng —NDRRMC

    TINATAYANG umabot na sa 49 katao ang namatay habang mahigit isang milyong katao naman ang apektado ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Paeng (international name: Nalgae).     Sa  “8 a.m. situational report” ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), sinabi nito na 37  katao ang kumpirmadong namatay habang 11 naman ang nananatiling […]

  • Pinas, US foreign affairs, defense secretaries magpupulong sa Washington

    MAGDARAOS ang mga Kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) ng Pilipinas at Estados Unidos ng high-level meeting sa Washington sa darating na Abril.     Layon nito na palakasin ang kanilang  political at military engagement sa harap ng posisyon ng China sa South China Sea.     Sinabi […]

  • Naalarma nang naaksidente ang kanyang ina: DEREK, thankful na mabilis naka-recover sa pinagdaanang surgery

    NAALARMA kamakailan si Derek Ramsay dahil sa naaksidente ng kanyang inang si Remedios “Medy” Paggao.     Masama ang pagbagsak daw ng kanyang ina at nagka-fracture sa kanyang forearm. Agad nga raw inoperahan ang ina ng aktor.     “My mom took a bad fall and broke her forearm. Seeing her fall and seeing her […]