Agent nagwala, arestado
- Published on February 27, 2020
- by @peoplesbalita
SA kulungan ang bagsak ng isang insurance agent matapos insultuhin at pagsabihan ng hindi magandang salita ang isang massage therapist na tumanggi sa pera na kanyang inaalok kapalit ng extra service sa loob ng isang massage clinic sa Valenzuela city.
Sa ulat, alas-12 ng hating gabi, nagtungo si Joshua Pangilinan, 21 ng Block 33 Sampaloc St. Brgy BF Homes, Paranaque city sa Health Spa sa 1764 Nicaragua St. Brgy. Valenzuela city at kinuha ang serbisyo ni Kristine Pardo, 22, para magpa-massage.
Habang nasa loob ng massage room, inalok ng lasing umanong suspek si Prado ng hindi mabatid na halaga ng pera kapalit ng extra service subalit, tumanggi ang bebot.
Nagalit umano ang suspek at nagsimulang magwala habang pinagsasalitaan ng hindi magandang salita ang biktima.
Hindi pa nakuntento, kinunan pa ng suspek ng video ang biktima gamit ang kanyang cellphone na naging dahilan upang humingi ng tulong ang management sa mga barangay opisyal na nagresulta sa pagkakaaresto kay Pangilinan.
Kasong alarm and scandal at unjust vexation ang isinampa ng pulisya kontra sa suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
-
Latest vlog ni BEA na kasama si DOMINIC na ‘Not My Hands Challenge’, kinakiligan nang husto ng netizens
PATOK na patok sa netizens ang latest vlog ni Bea Alonzo na pinost niya sa last Saturday na kung saan nakasama niya uli ang kanyang honey pie na si Dominic Roque. Caption ni Bea, HELLO SATURDAY! “I’m dropping another vlog tonight, with my boo! We played the “NOT MY HANDS CHALLENGE”. […]
-
Dahil nagpapatayo na rin ng bahay nila ang boyfriend: BARBIE at JAK, binibiro ng mga kaibigan kung kailan na ikakasal
HAPPY and thankful si Kapuso Hunk actor Ruru Madrid nang maging birthday gift na rin niya on his 25th birthday last December 4, ang screen test niya ng next project niya sa GMA Network, ang “The Write One,” na ipu-produce ng GMA News & Public Affairs, sa primetime. “Excited po ako, dahil after four […]
-
Ads October 29, 2022