Mga pinauwing Pinoy crew ng Japan cruise, hindi mawawalan ng trabaho: DOLE
- Published on February 27, 2020
- by @peoplesbalita
Walang Pinoy crew ng MV Diamond Princess ang mawawalan ng trabaho.
Ito ang tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga pinauwing mga Pinoy mula sa nasabing cruise sa Japan na sasailalim naman sa 14 days quarantine sa New Clark City sa Tarlac. Ayon sa kalihim, agad na ihahanda ang kanilang redeployment sa sandaling matapos ang kanilang quarantine.
Aniya, kailangan lamang na sumailalim muna ang mga Pinoy crew sa quarantine lalo pa at maraming naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa cruise ship.
Nakausap na rin ng DOLE ang Magsaysay Maritime Corporation kung saan siniguro naman ng manning agency na makakasampa muli sa barko ang mga na-repatriate na crew.
Sinabi rin ng kalihim na ang mga Pinoy crew ay mapagka-kalooban naman sila ng P10,000 cash aid sa bawat isa.
Kinumpirma ni Bello na sa 538 Pinoy crew ay nasa 80 lamang ang nagpaiwan sa MV Diamond Princess.
-
Lumobo pa ang pabuya sa mga makakamedalya
TATANGHALING multi-millionaire bukod pa matatamong karangalan at kaligayahan, ang sinumang mananalo ng gold medal sa 32nd Summer Olympics Games 2020 sa Tokyo, Japan na inusog lang ng pandemya sa parating na Huly 23-Agosto 8. Pinalaki pa ni business tycoon Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation ang cash pot para sa quadrennial sports […]
-
Sa muling pagsasanib-pwersa nila ni Direk JOEL: SEAN, susubukan nang tumawid sa pagiging dramatic actor
MULING magsasanib-pwersa sa pelikula sina Sean De Guzman at Direk Joel Lamangan sa social media crime drama movie na may working title na Fall Guy. Ang Fall Guy ay istorya ay tungkol sa isang social media influencer na naging biktima ng injustice system dahil sa kanyang estado sa buhay. Ang pelikula ay isinulat […]
-
JANINE at JC, relate na relate sa pinagdaanan ng characters nila sa ‘Dito at Doon’
TIYAK na marami ang makaka-relate sa napapanahong pelikula ng TBA Studios na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at JC Santos, ang Dito At Doon na mula sa mahusay na direksyon ni JP Habac. Sa pamamagitan ng online press screening, isa kami sa unang nakapanood ng lockdown movie na mula sa panulat nina Alexandra Gonzales […]